PATAY ang isang grade 7 student at walong iba pa ang nasugatan makaraan pagbabarilin ang truck na kanilang sinasakyan sa Davao del Sur, kamakalawa.
Ayon sa ulat, kagagaling sa kompetisyon ng mga biktima nang mangyari ang insidente.
Nabatid sa ulat, kasama sa mga nasugatan ang driver ng truck na sakay ang mga estud-yante ng Kimlawis National High School sa Kiblawan.
Kakagaling ng mga estudyante mula sa isang street dancing competition sa Damsu Festival sa Kiblawan at pauwi nang mangyari ang pag-atake.
“Pag-abot nila, more or less 150 meters sa barangay proper, they were fired upon ng mga hindi pa nakikilalang mga armado at hindi pa namin alam ang cause ng kanilang pamamaril,” ayon kay Chief Inspector Erich Requilman, hepe ng Kib-lawan Police.
Apat sa walong nasugatan ang malubha ang kalagayan.
Samantala, naghihinagpis ang ama ng na-patay na estudyanteng si Jimboy Linkanay, na tinamaan ng bala sa dibdib at hita.
“Wala namang kasalanan ang anak ko. Masakit isipin na wala siyang kasalanan at nag-aaral lang, estudyante lang. Wala siyang kasalanan,” ayon sa amang si Tot Linkanay.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, maaaring may kinalaman sa “pangayaw” o tribal war ang insidente.
HATAW News Team