HALOS isang linggo matapos ideklara ni President Duterte na malaya na ang Marawi sa terorismo ay nagpahayag si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagwakas na ang 154 araw ng pananakop ng Maute group na sinuportahan ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Ayon sa militar ay nasawi sa digmaan ang 920 terorista bukod pa sa mga bangkay na hindi pa nila nababawi sa huling pinaglabanang gusali. Sa panig ng gobyerno ay nalagas ang 165 sundalo at pulis. Naitala na 1,780 bihag ang nailigtas at 850 armas ang nakompiska.
Dahil sa ipinakitang pagsisikap at determinasyon ng Filipinas na labanan ang terorismo ay napigilan ang pagkalat nito sa Asya.
Dapat din ipagpasalamat ang naging kontribusyon ng mga bansang Amerika, Australia, Malaysia, Indonesia, Brunei, Singapore at China upang mapalaya ang Marawi.
Matapos ang matinding labanan ay nasasabik ang mga sundalo kung matutuloy ang ipinangako ng Pangulo nang bumisita sa Marawi na sasagutin ang libreng biyahe papuntang Hong Kong ng mga kawal na pararangalan ng medal of valor. Nang bumalik si Duterte sa Marawi ay nagpahayag ito na ipara-raffle raw niya ang pagbiyahe sa Hong Kong.
Nakatutok na ngayon ang pamahalaan sa mabigat na hamon ng pagbangon at rehabilitasyon ng Marawi City sa hindi birong pagkawasak ng impraestruktura at mga pag-aari na kakailanganin ang tunay na pagkakaisa ng mga mamamayan.
Titiyakin daw ng mga opisyal ng barangay na tanging mga residente lang ng Marawi ang makababalik sa lugar at hindi masisingitan ng mga taong-labas na maaaring makalikha lang ng gulo.
Magtatayo muna ang National Housing Authority (NHA) ng 1,500 pansamantalang kabahayan na aabutin nang dalawang araw para gawin.
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga enhinyero ng militar ay nagsimulang maglinis ng mga kalat at gumuhong bahagi ng gusali sa mga daanan. Naglaan ang DPWH ng P200 milyon upang isaayos ang mga kalsada, lagusan ng tubig at ibang pangangailangan.
Ang Task Force Bangon Marawi (TFBM), Department of Trade and Industry (DTI) at ibang ahensiya ng gobyerno ay tutulong sa mga naapektohang residente ng Marawi upang makapagsimula ng maliliit na negosyo at kumita habang sumasailalim sa rehabilitasyon ang nawasak nilang lungsod.
Ang naturang mga proyekto ay tunay na maganda at kinakailangan. Tunay na nagkakaisa ang karamihan ng Filipino sa hangaring makabangon ang Marawi.
Pero nagpapaalala ang Firing Line na huwag sanang mahaluan ng katiwalian ang mga pagsisikap ng gobyerno at hindi makapasok ang mga buwayang opisyal na maaaaring gamitin ang pondo para sa pansarili nilang kapakanan.
***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.
Check Also
Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty
SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …
Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi
AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …
Gunning for amendments
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …
Seguridad ng QCitizens sa ‘Misa De Gallo’ tiniyak ni Buslig
AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …
3 araw ng Metro road deaths
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …