PORMAL nang binuksan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang eksibit na pinamagatang 25 Huwarang Teksto sa Filipino.
Pinangunahan ng Pambansang Alagad ng Sining at tagapangulo ng KWF at National Commission of Culture and Arts (NCCA) na si Virgilio S. Almario ang ribbon cutting sa naturang eksibit.
Ani Roberto T. Anoñuevo, direktor heneral ng KWF sa kanyang pambungad na pagbati, “Ambisyoso ang pamagat nitong eksibit sapagkat sa loob ng bulwagang ito sinikap ipaloob ang ilang libong taon ng kasaysayan ng pagsulat sa Filpinas…”
Tampok sa eksibit ang iba’t ibang makasaysayang bagay tulad ng Batong Montreal, Laguna Copper Plate, Calatagan Pot at Unang Salapi sa Filipino.
Itinampok din ang Sona ni Pangulong Benigno Aquino Jr., na unang pangulong gumamit ng wikang Filipino sa paghahayag ng SONA, Ginebra laging tapat na unang patalastas gamit ang wikang Filipino, Doctrina Cristiana na kauna-unahang aklat na nalimbag sa Filipinas at iba pa.
Sa panayam, sinabi ni Almario na mahalagang ang mga nakatatanda, mga titser at lider ng gobyerno ay tumulong upang maipabatid sa mga kabataan ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino.
Mananatiling bukas ang eksibit sa mga nais makita ang mga makasaysayang bagay na makikita rito.
(LOVELY ANGELES)