MISMO!
‘Yan ang mensahe ni Quezon City Mayor Herbert “bistek” Bautista sa kanyang 8th State of the City Address (SOCA) nitong nakaraang Lunes, 16 Oktubre 2017.
Inisa-isa niya ang achievements, awards at pagkilalang natanggap ng lungsod.
Ang mga proyekto na kanya umanong nagawa at ang bilang ng mga nakinabang.
Ang pagpapaganda sa buong lungsod ng Quezon, paglilinis umano at pagsisikap na maiangat ang kita nito sa pamamagitan ng pagpapapasok ng investors.
Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit biglang naisipan ng Bloomberry’s na magtayo ng casino-hotel sa Kyusi.
Sabi nga bukas-palad na tinanggap ng Kyusi ang Bloomberry’s ni business mogul Enrique Razon sa ngalan umano ng pag-unlad kahit mahigpit ang pagtutol ng academic community.
Mayroon na nga namang captive market ang ‘location’ na kanilang napili sa Agham Road.
Ito po ‘yung malapit sa Trinoma at lalong malapit sa Philippine Science High School (PhiSci).
Kaya nga ang umuugong na tanong: sino-sino ang happy at mayroon bang paghahatiang SOP?
Naalala natin noon, isang kaanak natin ang naglagay ng Bingo sa Kyusi. Sandaling-sandali lang at mabilis na mabilis, P.6-M agad agad ang nalaglag sa kanya — for the boys daw para everybody’s happy.
Noong araw ‘yun at maliit na Bingo lang, e ‘yan pa kayang casino hotel?
Wattafak!
Balita rin na wala na umanong sagabal sa pagpapatuloy ng bagong casino-hotel ng Bloomerry’s.
Iisa lang daw ang palatandaan kung sino ang mga nakinabang — tiyak na makintab na makintab ang ngusong napahiran ng mantika!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com