EDINBURGH, United Kingdom — Ang unang floating wind farm sa mundo ay nagsimula na sa operasyon sa karagatan ng Scotland, nagbubukas ng posibilidad ng turbines sa ilalim ng tubig na hindi makatatakip sa magandang tanawin sa mga baybayin.
Ang 30MW Hywind farm, pinatatakbo ng Norwegian oil group Statoil sa pakikipagtulungan ng Abu Dhabi’s renewable energy company Masdar, ay 25 kilometro ang layo mula sa Aberdeenshire coast. Tinatayang kaya nitong bigyan ng koryente ang 20,000 kabahayan.
Sinabi ni Irene Rummelhoff, executive vice president ng Statoil’s New Energy Solutions, ang Hywind “will pave the way for new global market opportunities for floating offshore wind energy.”
Habang ayon kay Mohamed Al Ramahi, chief executive ng Masdar, “Hywind Scotland is showing that floating wind techno-logy can be commercially viable wherever sea depths are too great for conventional fixed offshore wind po-wer.
“This opens up a number of new geographies, and we are already looking at future opportunities with our partners…” dagdag niya.
Ang teknikal na kakayahan na makalu-tang ang wind farms sa karagatan ay nagbubukas sa posibilidad para sa mas mabilis na pag-unlad para sa clean technology, na kadalasang pinababagal ng pagtutol ng publiko sa pagtatayo ng higanteng turbines malapit sa mga kabaha-yan o sa magagandang lokasyon.
(Agence France-Presse)