LAS VEGAS (UPDATED) – Iginiit ng kasintahan ng Las Vegas gunman na pumatay ng 58 katao at kanyang sarili sa itinuturing na “deadliest mass shooting in modern US history” sa kumukuwestiyong FBI, wala siyang ideya na plano ng suspek ang paghahasik ng karahasan.
Sinabi ni Marilou Danley, bumalik nitong Martes sa Estados Unidos makaraan bumisita sa kanyang pamilya sa Filipinas, itinuring ng mga imbestigador bilang “person of interest” sa pamamagitan ng kanyang abogado, na namaril si Stephen Paddock habang siya ay nasa ibang bansa at ito ay lingid sa kanyang kaalaman.
‘He never said anything to me or took any action that I was aware of that I understood in any way to be a warning that something horrible like this was going to happen,” pahayag ni Danley, 62, sa written statement na binasa ng kanyang abogado sa Los Angeles, habang kinukuwestiyon ng mga awtoridad.
“I knew Stephen Paddock as a kind, caring, quiet man. I loved him and hoped for a quiet future together with him,” aniya. ‘It never occurred to me in any way whatsoever that he was planning violence against anyone.”
Sinabi ng kanyang abogado, na si Matt Lombard, si Danley ay makikipag-cooperate sa imbestigasyon.
Sinabi ni Danley, isang Australian citizen at mula sa Filipino heritage, bumalik siya nang kusa sa Estados Unidos “because I know that the FBI and Las Vegas Police Department wanted to talk to me, and I wanted to talk to them.’