Saturday , November 16 2024

DILG bibiguin ng Puerto Princesa (Patatalsikin si Bayron)

PUERTO PRINCESA CITY – Galit na nagbarikada ang mga residente sa lungsod na ito upang tutulan ang kasalukuyang balak ng DILG na ipatupad ang utos ng Ombudsman na paalisin si Mayor Lucilo Bayron sa puwesto.

Nagaganap ang protesta, habang ang maituturing na isang malaking karangalan para sa bansa, ang First Meeting of the ASEAN and European Union Free Trade Agreement Joint Working Group and Workshop on Multilateral Investment Court System ay nagaganap sa Puerto Princesa City ngayong 3-5 Oktubre 2017.

Nabatid na ang na-sabing kautusan ng Ombudsman ay ibinasura na ng Court of Appeals (CA).

Matatandaan, sa desisyon noong 18 Nobyembre 2016, pinatatalsik ni Ombudsman Conchita Morales si Bayron at ang kanyang anak na si Karl mula sa serbisyo (OMB-L- A-13- 0564 for: Grave Misconduct, Serious Dishonesty, and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service).

Ngunit nitong 20 Marso 2017, binaliktad ng Ombudsman ang desis-yon. Nakasaad sa panibagong desisyon, “all criminal charges against the respondents (Bayron at kanyang anak na si Karl) are dismissed.” Pinatawan na lang sila ng parusang 3-buwang suspensiyon.

Muling umupo si Bayron bilang alkalde ng Puerto Princesa nitong 22 Hunyo 2017, ngunit 6 Hulyo 2017 ay bumaligtad na naman ang Ombudsman at nag-utos na patalsikin uli ang alkalde sa puwesto.

Sa desisyon ng CA noong 8 Agosto 2017, ibinasura nito ang kautusan ng Ombudsman, sabay sa dismissal ng Petition for Leave to Intervene ni Vice-Mayor Luis Marcaida na dating kakampi ni Bayron ngunit naghangad na maging kapalit nito sa puwesto bilang mayor.

Noong 24 Agosto 2017 ay sinundan ng CA ang naunang desisyon at sinabi: “Given that he (Bayron) had already been reinstated as Mayor of Puerto Princesa City even before the promulgation of our Decision, his absolution from administrative liability fortifies his authority to hold such office.”

Labag ito sa utos ng CA, ang Regional Director ng DILG ay duma-ting sa Puerto Princesa upang ipatupad ang 6 Hulyo 2017 order ng Ombudsman na nagpapaalis kay Bayron sa pagka-mayor.

Sanhi nito, nag-alsa ang mga taga-Puerto Princesa, nagbarikada sa City Hall at naninindigan na harangan ang DILG, sa anumang paraan, sa pla-nong paalisin si Bayron na sa paniniwala nila ay isang illegal order.

Si Bayron ay iniluklok sa pagka-mayor ng mga taga-Puerto Princesa nang tatlong sunod-su-nod na eleksyon: noong 2013 regular elections, 2015 recall election, at 2016 regular elections.

Naging kalaban niya si Edward Hagedorn na naging mayor nang 20 taon at kasalukuyang nasasakdal sa Office of the Ombudsman dahil sa 2-counts of plunder o pandarambong. Ito’y nag-ugat sa ulat ng Commission on Audit (COA).

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *