EPEKTIBO na simula nitong Huwebes ang P21 umento para sa mga sumasahod ng minimum wage sa pribadong sektor sa Metro Manila.
Mula sa dating P491, magiging P512 na ang arawang sahod ng mga manggagawa mula sa non-agricultural sector.
Habang magiging P475 ang sahod kada araw ng mga tauhan mula sa mga sektor ng agrikultura, retail, service at manufacturing.
Hindi sakop ng umento ang mga kasambahay at manggagawa sa barangay micro business enterprises na may “certificate of authority.”
Ipinatupad ang umento ng sangay ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa NCR bilang tugon sa petisyong inihain ng ilang organisasyon at matapos ang konsultasyon sa iba’t ibang stakeholders.