Saturday , November 16 2024

Sumaklolo sa kaibigan natodas sa ratrat

PATAY agad ang isang pedicab driver habang sugatan ang sinaklolohang kaibigan nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo sa kahabaan ng Velasquez St. corner Herbosa Ext. Tondo, Maynila, 3:30 am, kahapon.

Kinilala ang napaslang na biktima na si Luciano Lucena, 47 anyos; at si Edward Joson, 27 anyos, tricycle driver, sugatan.

Sa salaysay ng live-in partner ni Joson na si Joana Nevado, nagkakasiyahan at nag-iinoman ang dalawang biktima kasama ng iba pang driver sa terminal nang mangyari ang insidente.

Paalis na umano sila nang may dumating na itim na motorsiklo, walang plaka na pinagbabaril ang kanyang kinakasama sa bandang leeg, na kanyang ikinatumba.

Nang makita ng kaibigang si Lucena ang nangyari, agad niyang dinaluhan si Joson ngunit siya man ay pinagbabaril ng mga suspek nang maraming ulit na agad ni-yang ikinamatay.

Agad dinala si Joson sa pinakamalapit na ospital.

Natagpuan sa crime scene ang isang piraso ng basyo ng bala at apat na piraso ng fired cartridge cases.

Lumabas sa pagsu-suri na maraming tama ng bala ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.

Dinala sa Archangel Funeral ang bangkay para sa autopsy.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril.

(LOVELY ANGELES)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *