NASUNOG ang limang two-storey apartment matapos sumiklab ang sunog sa Road 1, V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila, nitong Martes ng hapon.
Batay sa imbestigas-yon ng Bureau of Fire Protection, 3:00 pm nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng nirerentahang apartment ni Roger Uchi, 75 anyos.
“Wala lang po, nakita lang po namin na umaapoy sa ibabaw e, hindi naman po namin iniintindi kung ano ‘yun. Ang iniintindi po namin ‘yung tao sa loob,” ani Ken Castillo.
Limang pamilya ang nawalan ng tirahan sa mabilis na pagkalat ng apoy sa mga kahilera nitong apartment na umabot sa ikatlong alarma.
Nanlumo at walang nagawa ang may-ari ng mga natupok na apartment na si Riza Hernandez Tamayo nang pader na lang ang natira sa kanyang ari-arian.
Ayon kay Fire Investigator SFO1 Armando D. Baldillo, electrical overload ang hinihinalang sanhi ng sunog. Walang naitalang casualty sa insidente.
Dakong 3:52 pm nang ideklara ni C/Insp. Joselito Reyes na naapula ang sunog.
(ALEXIS ALATIIT)