Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, humahataw sa career pati na sa studies!

KAPURI-PURI ang recording artist na si Rayantha Leigh dahil kahit abala siya sa kanyang career bilang recording artist, hindi niya napapabayaan ang kanyang studies. Katunayan, honor student ang talented na dalagita nina Mommy Lanie at Daddy Ricky Madrinan.

Inamin din ni Rayantha na noong nagsisimula pa lang siya sa pagkanta ay tutol ang kanyang dad dahil isa siyang consistent honor student at nag-aalala ang kanyang ama na makasira ito sa kanyang studies. Although supportive naman daw ang mother niya.

“Eight years old po ako nang mag-enroll sa Voice Academy of the Philippines (VAP) ng voice lesson. Noong nalaman po ni Daddy na nag-enroll ako ng voice lesson, nagalit po siya dahil ‘di raw po ‘yon ang priority ko dapat. Nag-worry si Daddy na baka bumaba po ang grades ko sa school. Pero dahil halos every week na po ang mall shows, nabuking na rin po kami ni Daddy. Pero pinatunayan ko po sa kanya na kahit kumakanta-kanta ako, hindi pa rin bumaba ang mga grades ko at consistent na may honors pa rin po ako. Kaya na- accept na po ng Daddy ko na ito talaga ang gusto ko and now, siya na po ang number one fan ko,” masayang esplika ni Rayantha.

Proud na pm sa amin ni Mommy Lanie, “Rayantha’s achievement po sa school. For winning Bb. Lahing Pilipino Malikhaing Kasuotan. Best in Talent and With Honors po for the first quarter.”

Masipag din siyang mag-promote ng single niyang Nahuhulog at tumanggap ng award sa Japan recently as Young International Artist at nag-radio guesting pa sa Japan si Rayantha. Sa Oct. 4 po ay guest si Rayantha sa Letters and Music sa Net25. Abangan din si Rayantha sa October 21 sa Riverbanks kasama si Karylle.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …