Saturday , November 16 2024

2 patay sa trailer truck na nahulog sa tulay (4 sugatan)



PATAY ang maglolo habang apat ang sugatan makaraan mabagsakan ng 20-footer container truck na nahulog mula sa Zamora Interlink Bridge sa Zamora St., Pandacan, Maynila, nitong Miyerkoles ng hapon.

Sinabi ni Supt. Rolando Gonzales, commander ng Manila Police District Pandacan Station (PS10), nangyari ang insidente dakong 3:00 pm.

Ayon sa ulat, ang truck ay nasa Zamora Interlink Bridge nang ito ay mahulog at bumagsak sa kabahayan sa Tomas Claudio street.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga namatay na mag-lolo na sina Danny Baltazar, 70, at John Dave Baltazar, 8-anyos.



Sa kabila ng paggamit ng crane ng rescuers, mahigit isang oras bago nakuha ang bangkay ng dalawang biktima

Sugatan din sa insidente ang isang kaanak ng mga biktima at isang kapitbahay.

“Parang lumindol, tsaka ako lumabas. Pagkatapos nakita ko… tumbok pala sa bahay namin. Tumakbo na ako,” pahayag ni Juanita Baltazar, misis ni Danny.

Ang driver ng truck at kanyang assistant ay kapwa rin nasugatan. Isinisi ng driver na si Reynaldo Acosta sa faulty brake system ang insidente.

“Nag-apply ako ng preno, ‘di na po kumagat. Dalawang beses nga ako nag-apply. Mabagal lang po kami kasi traffic,” ayon kay Acosta.



About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *