Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, interpret ko: Mga patay na kaanak buhay sa panaginip

Morning Señor H,

Girl po ako. Nkita ko no. mo kasi may itatanong lng sana ako sa aking panaginip. Napanaginipan ko asawa ko at ‘yung pamangkin niya na lalaki na linalamayan daw at umuwi raw ako. Tapos no’ng nasa simbahan na ako nkita ko ‘yung uncle ng asawa ko na patay na rin sya naka-smile sya sa akin. Tapos di ko nadala ‘yung panyo ko, may inutusan ako para kumuha ng tissue kc naiiyak na ako nun. (09307009231)

To 09307009231,

Hindi naman literal ang kahulugan ng panaginip mo hinggil sa patay. Maaaring ang rason ng panaginip ukol sa patay ay may kaugnayan sa mga negatibong impluwensiya sa iyo ng ibang tao, pati na ang hindi magandang pakikihalubilo sa maling grupo ng mga tao. Alternatively, maaaring simbolo rin ito ng material loss o kaya naman, ng pagkakahawig ng quality at pagkatao ng namayapa nang napanaginipan, sa kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap.

Ito ay maaari rin namang isang paraan upang mas matanggap ang pagkawala ng mahal sa buhay at mas makapagpaalam na rin nang mas maayos.

Sa kaso mo, kung walang nag-trigger para managinip ka ng ukol sa patay, maaaring ito ay nagre-represent din naman ng manifestation ng takot mula sa iyong subconscious na mawala ulit ang iba pang mahal sa buhay. 

Maaaring nagpapahayag din ang panaginip na tulad nito ng pangangailangang magdalamhati o kaya naman, pakawalan o pabayaan na ang isang bagay na naging bahagi mo at naging malapit sa iyo. Nagsasabi rin ito na pag-isipan ding hingin ang tulong ng malalapit sa nanaginip, upang mas madali niyang malagpasan ang mga darating na suliranin o pagsubok.   
  
Ang simbahan sa panaginip ay nagsasaad ng sacredness at spiritual nourishment. Maaaring ito ay nagre-represent ng iyong value system at ng mga bagay na itinuturing mong sagrado. Posible rin namang nangangahulugan ito na humihingi ka ng spiritual enlightenment at guidance. Ikaw ay umaasam na ma-uplift sa ilang paraan.

Maaaring nakagawa ka ng ilang pagkakamali noong mga nakaraang panahon na naging sanhi upang madiskaril sa inaasam mong mithiin sa buhay. Ngunit sa pamamagitan ng iyong sariling determinasyon at pananalig, at tiwala sa mga taong malalapit sa iyo, ikaw ay muling makababalik sa tamang landasin.

Maaari rin namang ito ay nangangahulugan na kinukuwestiyon at nakikipagdebate ka sa direksiyon na tinatahak mo at kung saan ka patutungo. Kaya nire-re-evaluate o tinitimbang mo ang mga bagay na gusto mong gawin at gusto mong mangyari talaga sa buhay mo. Dapat din na huwag maging padalos-dalos sa bawat desisyong gagawin.

Ang pag-iyak naman ay maaaring nagsasaad ng pagre-release ng negative emotions na may kaugnayan sa sitwasyong ikaw ay gising. Ang luha ay nagpapakita ng compassion, emotional healing at spiritual cleansing. Alternatively, ito rin ay maaaring nagsasaad ng sakit at kabiguan. Ang ganitong uri ng panaginip ay isang paraan upang manumbalik ang ilang emotional balance at isang paraan na rin upang ligtas na mailabas ang iyong takot at kabiguan.

Sa ating pang-araw-araw na buhay, may mga pagkakataong hindi natin napapansin, itinatanggi, o kinukuyom natin ang ating mga damdamin. Pero kapag tayo ay nasa kalagayang tulog, ang ating defense mechanisms ay hindi na nagbabantay kaya nagkakaroon ng pagkakataon na mai-release ang ganitong mga emosyon. Señor H.



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …