KASAMA ang dean ng University of Sto. Tomas Faculty of Civil Law na si Atty. Nilo Divina, sumuko ang isa sa primary suspects sa karumal-dumal na pagkamatay ni Horacio Tomas “Atio” Castillo III na si John Paulo Solano kay Senator Panfilo “Ping” Lacson sa tanggapan nito sa Bonifacio Global City sa Taguig City, kahapon.
Ayon kay Divina, humingi ng tulong ang ama ni Solano sa kanyang ama, para isuko si John Paulo.
Inamin ni Divina, magkaibigan ang kanyang ama at ang ama ni Solano, kaya sa kanya nagpatulong na ayusin ang pagsuko kay Lacson.
Si Solano, ang unang nagbigay ng pahayag na siya umanong nakakita sa duguang katawan ni Castillo noong madaling araw ng Linggo sa isang kalye sa Balut, Tondo, Maynila at isinugod ang biktima sa Chinese Ge-neral Hospital (CGH).
Ngunit paglaon ay matutuklasan na walang nakitang bangkay o katawan ng duguang tao sa nasabing lugar na pinatunayan ng nakasasakop na barangay sa pamamagityan ng kanilang CCTV.
Sinabi ni Solano kasalukuyan siyang naka-leave of abscence (LOA) bilang UST law student at part-time medical technologist.
Aniya, napilitan si-yang lumabas dahil nagiging komplikado ang sitwasyon at iba’t ibang espekulasyon ang lumulutang.
Itinuring na primary suspect si Solano kasama ang nakapuslit na si Ralph Trangia at ama nitong si Antonio Trangia na may-ari ng pulang Strada na nagdala kay Atio sa CGH.
Nitong Huwebes, kinompirma ng Bureau of Immigration na ang na-kababatang Trangia ay umalis patungo sa Taiwan at may connecting flight sa Estados Unidos nitong Martes.
Ayon kay BI Port O-perations Division chief Red Marinas, walang pumigil kay Trangia, nang sumakay sa EVA Air flight BR262 patungong Chicago, USA dakong 1:53 ng madaling araw.
Kaugnay nito, apat na pangalan ang idinagdag sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na sina Ged Villanueva, Milfren Alvarado, Daniel Ragos at Dave Felix.
Nauna nang inilagay sa ILBO sina Arvin Ba-lag, Mhin Wei Chan, Marc Anthony Ventura, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabili, Jason A-dolfo Robinos, Ralph Trangia, Ranie Rafael Santiago, Danielle Hans Mattew Rodrigo, Carl Mattew Villanueva, Aeron Salientes, Marcelino Bagtang, Zimon Padro, Jose Miguel Salamat, at John Paul Solano.
Nakatakdang imbestigahan ng Senado ang pagkamatay sa hazing ni Atio sa Lunes.
Magugunitang nagpaalam ang 22-anyos na si Castillo sa kanyang mga magulang na dadalo sa “welcoming rites” ng Aegis Juris fraternity sa UST campus noong nakaraang Sabado ngunit hindi na nakauwi.
SOLANO NASA
KUSTODIYA
NA NG MPD
DINALA sa kustosiya ng Manila Police District (MPD) ang isa sa mga suspek sa pagkamatay ni Horacio Tomas “Atio” Castillo III na si John Paul Solano matapos sumuko kay Sen. Panfilo Lacson.
Matapos ang pag-uusap nina Solano, abogado nitong si Atty. Paterno Esmakel, Sen. Panfilo Lacson at MPD Gen. Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel ay ibinigay ng Senador ang kustodiya ng suspek sa MPD.
Sinabi ni Solano, wala siya sa initiation rites at tinawagan siya upang magbigay ng medical assistance dahil isa siyang registered medical technologist.
Hindi rin itinanggi ni Solano na miyembro siya ng Aegis Juris Fraternity at siya ang “Popoy” na tinutukoy sa kumakalat sa social media conversation.
Humingi ng tawad si Solano sa pamilya Castillo sa pagbibigay ng maling pahayag sa pulisya.
Samantala, bandang tanghali ay dumating ang isang UST Commerce student sa MPD na kamukha ng nasa video clip na nauna nang inilabas ng MPD na tinukoy na si Solano.
Kaugnay nito, sinabi ni Margarejo, ang paglabas ng lalaki na hindi na nila pinangalanan ay development sa kaso ni Atio.
Inilinaw rin ni Margarejo na ang presentadong ebidensiya ay “disputable” maliban kung inaprubahan na ng korte.
Dakong 3:30 ng hapon dumating si So-lano sa MPD headquarters mula sa opisina ni Lacson sa Taguig.
Idinaan ng pulisya si Solano sa likuran ng MPD headquarters at idineretso sa Homicide Section.
Inilinaw ni Margarejo na dadaan sa legal procedure si Solano at titiyaking hindi malalabag ang karapatan nito. Mahaharap sa kasong Perjury si Solano dahil sa pagbibigay nito ng ma-ling pahayag sa pulisya.
(LOVELY ANGELES)