Monday , December 23 2024

Sino si Arvin Tan?

HABANG kinakapanayam ng mga reporter ang Uber driver na naghatid ng mga gamit ni Horacio Castillo III, ang first year law student na napatay sa hazing ng Aegis Juris Fraternity ng University of Santo Tomas (UST), sa kanilang bahay bago siya napatay sa hazing, biglang sumulpot ang isang alumnus ng UST sa headquarters ng Manila Police District (MPD).

Kinilala ang dating estudyante ng UST na si Arvin Tan na napansing kinukunan ng video sa kanyang cellphone ang driver ng Uber.

Kinuwestiyon si Tan kung ano ang kanyang pakay sa pagkuha ng video sa driver na noo’y kasalukuyang nagbibigay ng pahayag tungkol sa krimen.

Sabi ni Tan, irereklamo raw niya ang insidente ng panunutok sa kanya ng baril na isang pulis-MPD sa Sta. Mesa.

SINABI ng abogado ng suspek na si Arvin Tan, kinukuhaan ng mug shot, matapos masakote ng mga operatiba ng Manila Police District – General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) sa kanyang tahanan sa New Manila, Quezon City, na mayroong diperensiya sa pag-iisip ang kanyang kliyente. Makikita sa larawan si Tan kasama ang broadcaster/columnist na si Mon Tulfo at ang kanyang kotse na may sticker ng Presidential Security Group (PSG) sa windshield. (Kuha ni IVEL JOHN SANTOS, grab mula sa Facebook Account ni Tan at sa video clip ni Bianca Dava ng GMA7)


Nauwi sa komosyon ang mga sumunod na eksena dahil pumalag si Tan sa mga pulis na nagtangkang umaresto sa kanya hanggang nauwi sa habulan at tuluyan siyang nakatakas sakay ng kanyang humarurot na kotse.

Muntik niyang nasagasaan ang mga reporter at mga pulis na humabol sa kanya, nabangga pa niya ang ibang nakaparadang sasakyan bago siya tuluyang nakatakas palabas sa compound ng MPD headquarters sa UN Avenue.

Ang pagkakadakip kay Tan sa kanyang townhouse sa New Manila, Quezon City sampung oras matapos ang gulo sa loob ng MPD headquarters ay ibinalita at napanood sa telebisyon.

Sa MPD headquarters, si Tan ay nagpakilalang kawani ng Department of Interior and Local Government (DILG) at stockholder daw ng ABS CBN.

Ipinagmalaki rin ni Tan ang protocol sticker ng Presidential Security Group (PSG) na nakadikit sa kanyang sasakyan.

Napanood din sa telebisyon ang mga paraphernalia na na katulad ng gamit sa shabu.

Pero ang nakapagtataka ay bakit hindi na naiulat sa mga pahayagan kahapon ang tungkol sa paraphernalia at kung bakit siya may protocol sticker ng PSG, at kung talagang konektado nga ba siya sa DILG at ABS CBN.

Nahihiwagaan tayo kung bakit nakauwi rin si Tan nang hindi nasampahan ng kaukulang kaso matapos madala sa MPD headquarters.

Ano ba ang talagang sadya ni Tan sa MPD headquarters?

Kung tinutukan ng baril si Tan, sino ang pulis sa Sta. Mesa na nanutok sa kanya at ano ang dahilan kung bakit siya tinutukan?

Wala kayang kaugnayan ang pagsulpot ni Tan na alumnus ng UST sa MPD headquarters sa iniimbestigahang kaso ng pagpatay kay Castillo?

Isinailalim ba ng MPD si Tan sa drug test, pati na ang paraphernalia na nakita sa kanyang bahay?
Hmmmn!!!

MGA ATLETANG
SENADOR

UMIRAL na naman ang pagiging reaksiyonaryo ng mga mambabatas na mahilig sa grandstanding sa kaso ni Horacio Castillo III, ang first year law student na napatay sa hazing ng Aegis Juris Fraternity ng University of Santo Tomas (UST).

Nagkakandarapa na namang umeksena ang mga senador, kani-kaniyang privilege speech at nag-uunahan na magkapaghain ng panukalang batas para daw hindi na maulit ang nangyari kay Castillo.

Pero siyento por siyento, punto uno, ay sa nakangangawit na imbestigasyon na naman ng Senado at Kamara mauuwi ang nangyari kay Castillo hanggang tuluyan itong lumamig at muling mabaon sa limot tulad sa mga naunang kaso ng hazing.

Sana ay noong buhay pa si Castillo ginawa ng mga senador ang kanilang mga pinagsasasabi at hindi ‘pag may namamatay lang.

Nalimutan yata ng mga mambabatas na hindi sila atleta para magpaligsahan.

F. SISON – “Dapat ipasara na ‘yang Senado! Wala naman silang naitutulong na maganda, abusado na, pawang mga hambog pa, akala mo sila ang nasa kapangyarihan at laging tama. Sayang ang mga suweldo nila na nanggaling sa bulsa ng mga mamamayang akala ay makatao sila. ‘Di na ako magtataka at masasabi kong tama lang na noong panahon ni Apo Lakay, walang Senado. Opinion ko lang po.”

E. MILITAR – “Hindi ba dati may expose si Rosebud sa kanya (Lacson) about Triad? Parang secret allies sina Lacson at Trillanes. Ano natutunan ng Senado sa expose na ‘yon?”

N. ESTRELLA (Taiwan) – “I-abolish na ang Senado at Kongreso. Puro palamunin at patabaing mga baboy lang ang nand’yan. Walang silbi sa bayan.”

B. RUIZ – “Nakabubuwisit nang makining at manood sa mga investigation. Ang trabaho nila ay gagawa ng mga batas, hindi investigation. Sayang ang pera ng Fillipinas, napupunta sa walang kuwenta.”

***
O. SAMSON – Mga siga ng bayan ‘yang mga kupal na Senador na mga ‘yan, nagsasayang lang ng pera ang gobyerno sa mga ‘yan. Sana buwagin na ‘yang Congress na walang ginagawa kundi magpayaman at gawin illiterate sa batas ang mga Filipino. Napag-iiwanan na ang Filipinas sa ibang bansa na mas mahirap pa sa atin noong panahon ni Marcos. ‘Yang mga politiko, after Marcos, ang malala, mini-maintain nilang ignorant ang karamihan sa Filipino para maigiit ang sarili nila sa posisyon.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid



About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *