Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza Lorena, hanga sa talento ni Allen Dizon bilang aktor

IPINAHAYAG ng beteranang aktres na si Ms. Liza Lorena ang pagkabilib sa multi- awarded actor na si Allen Dizon. Kabilang si Ms. Liza sa bagong pelikula ni Allen titled Persons of Interest. Ito’y sa pamamahala ni Direk Ralston Jover ng ATD Entertainment Productions with co-producers Mr. Romeo Lindain and Mr. Bobby Alvarez.

Bukod kina Allen at Ms. Liza, tampok din dito sina Dimples Romana, Nella Marie Dizon, Ynigo Delen, at iba pa.

Nagkuwento si Ms. Liza sa gagampanang role rito. “Ako si Dely, may ari ng isang restaurant at anak ko si Dimples Romana. Then nakilala ko si Ramil, played by Allen Dizon na isang bulag. Ayun, after that ay nagsama na kami… I’m about 20 or 24 years older than him.

“Si Allen (Ramil) dito ay hiwalay na sa asawa, tapos siya ay may anak na ang nanay ay nasa Japan at may asawang Hapon.

“And si Allen, alam naman natin na award winning actor si Allen, magaling siyang artista, plus ‘yung role namin dito ay kakaiba rin. Kaya tulad ng ibang ginagawa ko, may halong excitement ang project na ito.” 

Dahil mag-asawa sila ni Allen dito, sakali bang i-require na may kissing scene sila rito, papayag ba siya?

Sagot ni Ms. Liza, “Oo naman, wala namang kaso iyon kung kailangan talaga. Artista ako e and part lang iyon ng trabaho namin,” nakangiting saad niya.

Dalawang katauhan ang gagampanan ni Allen Dizon sa pelikulang Persons of Interest. Una, bilang blind cook na maaakusahan ng mass poisoning na ikinamatay ng kanyang kinakasamang babae. Second ay imaginary friend ng kanyang anim-na-taong gulang na anak na exactly opposite niya dahil matikas, masayahin, at hindi bulag.

Ang setting ng Persons of Interest ay sa Pampanga na kilala sa masasarap na pagkain at mahusay magluto ang karamihang nakatira rito. Sa tunay na buhay, si Ms. Liza ay ipinanganak sa Magalang, Pampanga samantala si Allen ay lumaki sa Sta. Ana, Pampanga.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio





Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …