NILINAW kahapon ni Bela Padilla sa presscon ng Last Night na hindi base sa kanyang buhay ang istorya ng pelikulang pagbibidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga handog ng Star Cinema at N2 Productionsna mapapanood na sa Setyembre 27.
Ayon kay Bela, ”This is completely fictional. ‘Yung story hindi siya based sa buhay ko.”
Sinabi pa ni Bela na tuloy-tuloy niyang ginawa ang script ng Last Night. ”Two days ko siyang isinulat ng tuloy-tuloy.”
At dahil matagumpay nang nakakapagsulat si Bela ng script, hindi naman niya itinagong gusto rin niyang magdirehe eventually.
“May pinag-uusapan na kami ni Direk Joyce (Bernal) na project,” sambit ng dalaga.
Bale ikaapat na proyekto na ni Bela ang Last Nightbilang isang propesyonal na manunulat at kauna-unahan niya sa Star Cinema.
Bago ang Last Night, ang mga notable project ni Bela bilang aktres sa ABS-CBNay ang kanyang starring roles sa top-rating series na My Dear Heart na nakasama niya sina Zanjoe Marudo, Heart Ramos, at Coney Reyes.
Ang pagpasok ni Bela sa mundo ng pagsusulat ang dahilan kung bakit itinuturing siya bilang isa sa mga emerging at most influential na millennial voices sa industriya ngayon.
Iginiit naman ni Neil Arce, isa sa producer mula N2 Production na hindi suicide film ang Last Night. “May pinag-uusapan lang about suicide pero hindi ‘yun ang kabuuan.”
Ang Last Night ay isang kakaibang klase ng istorya ng pag-iibigan na nagbibigay pag-asa sa lahat ng sumuko na sa pag-ibig.
Nakasentro ito kina Mark (Piolo) at Carmina(Toni) na nawala ang lahat kay Mark at makilala niya si Carmina na nawalan naman ng minamahal matapos ang isang madilim na gabi. Bagamat parehong nasa dulo na ng pag-asa sina Mark at Carmina, sila ay magsisimula ng ‘di inaasahang ugnayan na siyang magiging dahilan ng kanilang pagkakaibigan na siya naming magdadala sa kanila sa pagmamahalan.
Ito ang muling pagsasama nina Toni at Piolo after three years. Una silang nagsama sa blockbuster flick na Starting Over Again. Una namang naidireh ni Bernalsi Piolo sa romantic-comedy na Paano Kita Iibigin noong 2007 kasama si Regine Velasquez. Si Toni naman ay nakatrabaho si Bernal noong 2005 sa comedy-horror film na D’Anothers..
Token Lizares,
ayaw paghaluin
ang politics
at charity
MULA noon hanggang ngayon, tumutulong pa rin ang tinaguriang Charity Diva na si Token Lizares.
Bukas palad pa rin ang pagtulong niya sa mga kapuspalad nating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa. Nagsasagawa ng concert si Lizares at gumagawa ng album para makalikom ng pondo na itutulong sa mga orphanage, homes for the elderly, pagpapagawa ng mga simbahan at emergency room sa mga government hospital.
Ayon kay Token, nakuha niya ang pagiging matulungin sa kanyang ina. Kaya huwag nang magtaka kung ang ipinangalan sa kanya nito ay Token dahil pareho silang mahilig magbigay ng tulong.
Sa paglulunsad ng bago at ikatlong album ni Token na may titulong Till The World Is Gone sa ilalim ng Vehnee Saturno Music Corporation, sinabi ni Lizares magkakaroon din siya ng concert sa RJ Bistro, Dusit Thani Hotel, Makati, 8:00 p.m. sa Sept. 30.
May limang tracks at limang minus one ang album niya kabilang na ang Ikaw Ang Sagot, Ganyan Ka Kamahal, One Life To Live, at ang carrier single na Till The World Is Gone na isinulat lahat ng award-winning composer na si Saturno. Kasama rin sa album bilang bonus track ang composition ni Token na Time Moves On.
Mabibili naman ang Till The World Is Gone album sa Astro Vision/Astro Plus music stores sa buong bansa at mada-download na rin ang digital copies nito sa Spotify, Amazon, iTunes at Google Play Store.
Sa kabilang banda, trending ang music video ng Till The World Is Gone sa YouTube kasama ang actor na si Al Tantay bilang leading man. Kasama rin sa music video sina Kiel Alo at Ella San Andres na idinirehe ni Miggy Tanchangco.
May mall at radio tours si Token sa Oktubre at maririnig na sa mga local station ang Till The World Is Gone.
Sa album launching ay naibahagi ni Token ang mga personalidad na pinagkakautangan niya ng loob. Ito ang mga personalidad na laging nakasuporta sa kanyang mga charity work. Ito ay si Joel Cruz ng Aficionado at ang Ysa Skin Care Clinic.
Samantala, bukod sa pagkanta at pagtulong, pinasok na rin ni Lizares ang pag-arte. Napanood na siya sa afternoon series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw na gumanap siyang may-ari ng parlor at kaibigan ng komedyanteng si Shalala Reyes.
Bukod sa Pusong Ligaw, may indie film din siya, ang Burahin Ang Salot sa Lipunan na idinirehe ni Bert Abihay Dagundong.
Ayon kay Token, wish niyang makasama sa isang proyekto ang mga idolo niyang sina Nora Aunor at Freddie Aguilar.
Sa mga nang-iintriga naman na papasukin niya ang politics kaya tumutulong siya. Iginiit niyang nasa puso niya ang pagtulong.
“Ayaw kong paghaluin ang politics at charity. Kung tutulong ako mas gusto kong galing sa pamamagitan ng aking mga kanta.”
Sinabi pa ni Token na ayaw niyang masabihan na tumutulong siya dahil may hinihingi siyang kapalit.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio