Monday , November 25 2024

Aiko Melendez, ipakikita ang sakripisyo ng guro sa New Generation Heroes

MULING magbibida ang award winning actress na si Aiko Melendez sa bago niyang pelikula na pinamagatang New Generation Heroes ng Golden Tiger Films,  mula sa pamamahala ni Direk Anthony Hernandez.

Ang New Generation Heroes ay isang advocacy film na tumatalakay sa values formation, rights to proper education, pagpapahalaga sa mga guro, at mga taong itinuon ang sarili sa pagtuturo. Ito ay base sa tunay na pangyayari at ang ilang eksena ay kinunan pa sa Korea.

Ano ang role niya sa pelikulang ito?

Sagot ni MS. Aiko, “I played the role of Cora Tolentino here, who happens to be a mom. In real life I am a mother of two also, of Ande and Martina. And as a mother, you will do everything for your kids. You want to give them the best, the future that they deserve.

“The reason why she worked abroad, was to give her family the best of everything. But apparently along the way, her best wasn’t good enough for one of her kids.”

Dagdag niya, “Ang New Generation Heroes” po ay dedicated sa mga guro na OFW na buong sipag na nagtatrabaho, kahit mapalayo pa sila sa kanilang sariling family.

“Ipakikita rin sa movie kung gaano talaga kaimportante ang oras na dapat mong ibigay sa iyong family. At minsan, na ang pagsisisi ay talagang nasa huli. So, matututuhan dito ng viewers na hindi lang pala lahat ay pera ang sagot sa lahat ng problema. Hindi rin lang pala na porke’t marami kang pera at nabibigay mo ang needs nila materially, hindi pala enough iyon.

“Dapat ay iba pa rin na nandoon iyong pagmamahal mo, iyong paggabay mo sa kanila. Kasi, ang love is to be nurtured, hindi ba? So kailangan, constantly na i-assure mo ‘yung kids mo of your love and your attention.

“That’s why I encourage everyone, specially the teachers and the students to watch this movie, kasi ay marami silang matututuhan na aral. Matututuhan nila na hindi sa lahat ng pagkakamali ay hindi ka na magkakaroon ng tsansang bumangon. Na ang buhay is about you know, when you fall down seven times, you get up eight times,” mahabang saad pa ng aktres.

Bukod kay Aiko, tampok dito sina Ms. Anita Linda, Jao Mapa, Joyce Penas, Dexter Doria, Debraliz Valazote, Alvin Nakkasi, Aleera Montalla, Rob Sy, at JM Del Rosario. Showing na ang New Generation Heroes sa Oct. 4 ang New Generation Heroes kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers Day. Premiere night naman nito sa Sept. 29, 2017 sa SM Mega Mall 6:00PM, Cinema 7.

Liza Lorena,
hanga sa talento
ni Allen Dizon
bilang aktor

IPINAHAYAG ng beteranang aktres na si Ms. Liza Lorena ang pagkabilib sa multi- awarded actor na si Allen Dizon. Kabilang si Ms. Liza sa bagong pelikula ni Allen titled Persons of Interest. Ito’y sa pamamahala ni Direk Ralston Jover ng ATD Entertainment Productions with co-producers Mr. Romeo Lindain and Mr. Bobby Alvarez.

Bukod kina Allen at Ms. Liza, tampok din dito sina Dimples Romana, Nella Marie Dizon, Ynigo Delen, at iba pa.

Nagkuwento si Ms. Liza sa gagampanang role rito. “Ako si Dely, may ari ng isang restaurant at anak ko si Dimples Romana. Then nakilala ko si Ramil, played by Allen Dizon na isang bulag. Ayun, after that ay nagsama na kami… I’m about 20 or 24 years older than him.

“Si Allen (Ramil) dito ay hiwalay na sa asawa, tapos siya ay may anak na ang nanay ay nasa Japan at may asawang Hapon.

“And si Allen, alam naman natin na award winning actor si Allen, magaling siyang artista, plus ‘yung role namin dito ay kakaiba rin. Kaya tulad ng ibang ginagawa ko, may halong excitement ang project na ito.”

Dahil mag-asawa sila ni Allen dito, sakali bang i-require na may kissing scene sila rito, papayag ba siya?

Sagot ni Ms. Liza, “Oo naman, wala namang kaso iyon kung kailangan talaga. Artista ako e and part lang iyon ng trabaho namin,” nakangiting saad niya.

Dalawang katauhan ang gagampanan ni Allen Dizon sa pelikulang Persons of Interest. Una, bilang blind cook na maaakusahan ng mass poisoning na ikinamatay ng kanyang kinakasamang babae. Second ay imaginary friend ng kanyang anim-na-taong gulang na anak na exactly opposite niya dahil matikas, masayahin, at hindi bulag.

Ang setting ng Persons of Interest ay sa Pampanga na kilala sa masasarap na pagkain at mahusay magluto ang karamihang nakatira rito. Sa tunay na buhay, si Ms. Liza ay ipinanganak sa Magalang, Pampanga samantala si Allen ay lumaki sa Sta. Ana, Pampanga.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio





About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *