Monday , December 23 2024
customs BOC

Raket sa BOC gamit ang SPD

ISANG uri ng kawalanghiyaan na hindi pamilyar sa pandinig ng marami ang malaking panunuba sa cement importation para palusutan sa pagbabayad ng kaukulang storage fee ang Bureau of Customs (BOC).

Bukod pala sa pandaraya ng freight cost o halaga ng timbang na ibinulgar ni dating Commissioner Nicanor Faeldon ay posibleng malaki rin ang lugi ng pamahalaan sa storage fee na hindi binabayaran ng cement importers sa mga Customs Port.

Modus ng mga damuhong sangkot sa importasyon ng semento ang paggamit ng Special Permit to Discharge (SPD) sa Customs Ports at Sub-Ports.

Imbes ibayad muna ng storage fee ay diretso nang inilalabas sa Customs Port o Sub-Port para makaalis agad ang barko na nagdiskarga ng kargamento gamit ang SPD.

SI ‘ALYAS STAR’

IYAN daw ang isa sa malaking paglabag na umano’y modus na naituro kay Pampi ng isang ‘Alyas Star’ Dimaculangan na eksperto sa paggamit ng SPD at panunuba sa pamahalaan.

Ang malaking tanong ay kung nagbayad ba ng storage fee ang mga kompanyang naglabas ng semento na gumamit ng SPD bilang katumbas ng promissory note sa kada shipment o hindi.

Inaalam raw ng mga impormante natin kung kasabwat sa naturang raket ang district collectors sa Ports at Sub-Ports na nag-iisyu ng Special Permit to Discharge (SPD) sa mga nagpapalusot ng imported cement sa bansa.

SI NOEL BUNGAL

Samantala, ang isang ‘Noel’ na nabanggit ang pangalan sa imbestigasyon ng Senado ay walang iba kung hindi si “Marianong Bungal” na nagpapakilalang spotter ni Pampi sa Customs.

Si Noel Bungal ay minsan nang lumutang noon ang pangalan bilang “bagman” ng isang dating mataas na opisyal ng Customs.

Siya ang sinasabing nagpatawag ng “smugglers’ meeting” na ginanap sa bahay ng ina ng dating Customs official noong nakaraang administrasyon.

SEN. DICK GORDON:
IPATAWAG MO RIN
SI MAITA ACEVEDO

HEBIGAT sigurado ang padrino na kinakapitan ng isang babaeng opisyal sa Customs na pasok sa listahan ng mga empleyado at opisyal ng Customs na tumatanggap ng “tara” kaya’t hindi siya naipapatawag para humarap sa mga imbestigasyon ng Kamara at Senado kaugnay ng nasabat na P6.4-B shabu shipment noong Mayo sa Valenzuela City
Ang tinutukoy natin ay si Maita Acevedo, ang maimpluwensiyang hepe ng formal entry division (FED) sa Manila International Container Port (MICP) na pinangalanang tumatara sa mga smuggler.

Si Acevedo ay kasama sa mga ikinantang tumatara sa grupo ni Mark Ruben Taguba, ang “broker” cum smuggler na lumakad at nagpalusot sa nasabat na P6.4-B shipment ng shabu.

Selective ba ang imbestigasyon kaya’t ni minsan ay hindi naipatawag ni Sen. Richard “Dick” Gordon si Acevedo sa mga nakaraang pagdinig ng Blue Ribbon Committee?

Sana, ipabusisi ni Gordon kung deklarado sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Acevedo ang kanyang mga naipundar na ari-arian, kabilang ang isang mansion sa BF Homes Parañaque.

“ABOLISH SENATE!”

M. WATSON (UK) – Tama, Ka Percy, ang sinasabi ninyo na, for example, kung mayroon kang gustong akusahan o kagalit, doon sa Senado maghain ng reklamo dahil ipapatawag lang ang kagalit mo, at ‘pag ‘di nasiyahan sa sagot ay puwede na nilang ikulong. Wala nang litis-litis or abo-abogado pa, instant kulong. What is the point of having judges, police and other authorities? Nakakaawa ang ginawa nila kay Faeldon.

TIM – “Kailangan pala ang mga magiging Senador, galing sa NBI. Puro kasi sila imbestigasyon. Eto namang si Sen. Trililing, pagkatapos ng imbestigasyon, papa-presscon, papa-interview at saka doon babanatan ulit iyong inimbestigahan na kalaban niya. Lintek na “in aid of legislation” na iyan. Utot nila!”
N. ESTRELLA (Taiwan) – “I-abolish na ang Senado at Kongreso. Puro palamunin at patabaing mga baboy lang ang nand’yan. Walang silbi sa bayan.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *