FLATTERED ang Kapamilya teen actor na si Joshua Garcia sa papuring nakukuha niya kaugnay sa mahusay niyang performance sa pelikulang Love You To The Stars and Back kabituin ang kanyang ka- loveteam na si Julia Barretto.
Mahusay nga itong umarte dahil na rin sa rami ng pinagdaanan nito sa buhay na nagiging instrumento niya para mas makahugot sa bawat eksena sa nasabing pelikula.
Tsika ni Joshua nang makausap namin sa block screening ng Love You To The Stars And Back sa Fishermall VIP Cinema, sa Quezon City, noong September 5, ”‘Yung experiences ko sa buhay. At saka, ‘yung pagiging in-character mo na rin.
“Kung makakuha man ako ng award diyan, ang saya ko. Pero hindi lang ako, kundi buong team, kasi hindi lang naman ako ang may ginawang magaling doon, eh.
“Lahat kami nagtulong-tulong,” pagtatapos ni Joshua.
SUE, MILES, JANE,
MICHELLE AT CHANEL,
MANANAKOT
SA THE DEBUTANTES
ANG tinaguriang It Girls ng horror film na sina Sue Ramirez, Miles Ocampo, Michelle Vito, Jane De Leon, at Chanel Morales ay magsasabog na ng takot at lagim sa exciting at thrilling movie ng taon, ang The Debutantes sa Oktubre 4.
Mula sa direksiyon ni Prime Cruz, director ng Ang Manananggal sa Unit 23- B. Magsisilbing biggest break din ito ng limang millennial stars sa big screen.
Iikot ang kuwento ng The Debutantes kay Kate (Sue), friendless at weird-looking na estudyante. Gusto niyang makipaglapit sa kapwa estudyanteng sina Lara (Miles), Jenny (Jane), Candice (Michelle), at Shayne (Channel). Subalit bigo siyang makuha ang loob nilang lahat hanggang sa dumating ang puntong madalas siyang ma-bully. Bukod-tanging si Lara ang naging malapit sa kanya.
Hangang sa nakararanas ng masamang panaginip si Kate. Binigyang babala ni Kate ang apat na babae pero hindi siya pinakinggan. Sa bandang huli, natuklasan niya siya pala ang dahilan kung bakit may kababalaghang dumarating sa mga babae sa pagsapit ng 18th birthday o ang debut.
Naiibang kuwento ng katatakutan ang hatid ng The Debutantes na swak na swak sa millennials at akmang-akma sa kuwentong bullying sa mga mag-aaral. Forte na ng Regal ang gumawa ng horror films na sakto sa panlasa sa manonood. Nakita ang Regal sa Shake , Rattle & Roll franchise at iba pa at ang festival entry nitongHaunted Mansion na tungkol sa matitigas ang ulo na mga estudyante ay isa sa top grossers. Hit din sa takilya ang last horror flick nitong Pwera Usog.
JADINE,
PINAGHAHANDAAN NA
ANG ISANG
MALAKING PELIKULA
ISANG malaking pelikula ang pagsasamahan nina Nadine Lustre at James Reidbago matapos ang taon na ipoprodyus ng Viva Films.
Wala pang announcement kung sino-sino ang magiging co-stars Ng JaDine dahil inaayos pa ang casting nito.
Ito nga ang pagkakaabalahan ng dalawa habang hinihintay pa ang kanilang next teleserye sa Kapamilya Networks bukod sa kanilang hosting job sa It’s Showtime.
MATABIL
ni John Fontanilla