Friday , December 27 2024

Action scenes sa Ang Panday, makapigil-hininga

MAKATAWAG-PANSIN ang post ng isa sa AdProm ng Dreamscape TV Productions ng ABS-CBN na si Eric John Salut ukol sa napanood nilang preview sa rough edit ng unang directorial job ni Coco Martin, ang Ang Panday na handog ng CCM Productions at isa sa entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Salut, makapigil-hiningi ang mga action scene at tiyak na sasakit ang tiyan ng mga sinumang makakapanood nito dahil puno rin ng katatawanan ang ilang mga eksena.

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Sa 80 artistang kasama sa Ang Panday, kahanga-hanga rin ang malinis na pagkakatahi ng istorya. Tunay na ginamit ng tinaguriang Primetime King ang kanyang puso sa pagdidirehe tulad ng sinabi niya noon sa mga interbyu sa kanya at sa mga kumukuwestiyon sa kakayahan niyang makapagdirehe.

Grabe rin ang kurot sa mga eksena na kahit rough edit pa nga lamang ang napanood nila ay dama agad ang journey at experience na gustong ipakita ni Coco sa kanyang pelikula.

Kaya ngayon pa lamang, masasabing isang mahusay nang director si Coco.

Tiyak na marami ang mag-aabang sa Ang Panday na talaga namang pinagbuhusan ng oras at pagod ni Coco.

Ngayon pa lang, binabati na namin si Coco for a job well done.

IT GIRLS NG HORROR,
MANANAKOT
SA THE DEBUTANTES

MAGSASABOG ng takot at lagim sa exciting at thrilling movie ng taon ang mga tinaguriang It Girls ng horror film na sina Sue Ramirez, Miles Ocampo, Jane de Leon, at Channel Morales sa Oktubre 4 handog ng Regal Entertainment Inc..

Ang The Debutantes ay idinirehe ni Prime Cruz na siya ring nagdirehe ng Ang Manananggal sa Unit 23-B. Ito ring pelikulang ito ang magsisilbing biggest break ng limang millennial stars sa big screen.

Iikot ang kuwento ng The Debutantes kay Kate (Sue), friendless at weird-looking na estudyante. Gusto niyang makipaglapit sa kapwa students na sina Lara (Miles), Jenny (Jane), Candice (Michelle), at Shayne (Channel). Subalit bigo siyang makuha ang loob nilang lahat hanggang sa dumating ang puntong madalas siyang ma-bully. Bukod-tanging si Lara ang naging malapit sa kanya.

Naiibang kuwento ng katatakutan ang The Debutantes na swak na swak sa millennials at akmang-akma sa kuwentong bullying sa mga mag-aaral. Forte na ng Regal ang gumawa ng horror films na sakto sa panlasa ng manonoo. Nakilala ang Regal sa Shake, Rattle & Roll franchise at iba pa at ang festival entry nitongHaunted Mansion ukol sa matitigas ang ulo na mga estudyante ay isa sa top grossers. Hit din sa takilya ang last horror flict nitong Pwersa Usog.

Pagdating naman sa feedbacks sa social media ng trailer ng The Debutantes, pawang papuri ang komentong lumabas kaya naman inaabangan na nila ang dalang katatakutan ng Horror It Girls sa Oktubre 4.

MAGKADUGO NG SMAC,
2ND BEST MOVIE
SA 2017 GAWAD SINING
SHORT FILM FESTIVAL

MASAYANG-MASAYA ang bumubuo ng pelikulang Magkadugo na handog ng SMAC TV Network dahil sila ang nakakuha ng 2nd Best Movie sa katatapos na2017 Gawad Sining Short Film Festival.

Ang Magkadugo ay pinagbibidahan nina Mateo Sanjuan at Justin Lee na nagwagi naman ng Best Actor at Best Supporting Actor respectively.

Isang maikling pelikula ang Magkadugo na sumesentro ang buhay ng makapatid na sina Vince (Justin) at Bryan (Mateo)  sa mga trahedya at matitinding problemang dumating sa kanilang buhay ngunit nanatiling matatag at magkakapit-bisig hanggang sa dulo bilang magkapatid.

First time kapwa nina Mateo at Justin na umarte sa isang pelikula, bagamat si Mateo ay may background na sa teatro. Kaya kahanga-hanga ang galing na ipinakita nila sa Magkadugo sa blockscreening sa SM North noong isang araw.

Malaki nga ang pasasalamat nina Mateo at Justin dahil agad napansin ang kanilang galing at umaasa silang sa pamamagitan ng Magkadugo ay mabibigyan sila ng malaking proyekto at marami pang pelikula.

Nauna si Justine sa SMAC kaya naman iniintriga sila ni Mateo na mas nauna pang magkaroon ng best actor award sa kanya.

Ani Justin, hindi big deal sa kanya kung mas unang nagkaroon ng best actor award si Mateo. Ang mahalaga, napansin din ang kakayahan niya sa pag-arte.

Hindi rin big deal kay Justin kung supporting lang siya kay Mateo.

Twenty one short films ang naglaban-laban sa Gawad Sining Short Film Festivalkaya malaking bagay na sa SMAC na bukod sa 2nd Best Movie ay nakakuha pa sila ng acting awards. May special participation din rito ang iba pang alaga ng SMAC na sina Angelica Feliciano at Mark Sceven Nolasco.  Ito ay idinirehe nina IJ Fernandez at Reymond Dimo.

Marami pang blockscreening ang isasagawa ng SMAC na inaasahan nilang marami pa ang makakapanood ng kanilang pelikula na ang sentro ay ukol sa importansiya ng pamilya.

Sa bumubuo ng SMAC TV Network, ang aming pagbati.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *