Sunday , January 12 2025

Ria Atayde, sumabak sa tatlong TV shows bilang host!

LEVEL-up na talaga ang maganda at talented na aktres na si Ria Atayde. Bukod kasi sa pagiging effective na drama actress, ngayon ay sumabak na rin siya sa pagiging TV host. Kamakailan ay nagkaroon ng tatlong hosting jobs si Ria, dalawa sa tatlong shows na ito ay kasama niya si Matteo Guidicelli.

Ayon kay Ria, nag-enjoy siya nang husto sa kakaibang experience, lalo’t bukod sa bago sa kanya ang naturang experience, ipalalabas sa international audience ang naturang TV shows. “Three hosting jobs po bale ang nagawa ko, first one was with Matteo Guidicelli. The digital material of History Channel. Parang Manila Proof, para kaming naging tour guide/navigator ng two hosts from the States. Sa akin si Horny Mike of Counting Cars. Then Kay Matteo, si Corey of Pawn Stars.

“Then second was Recipes for the Road for A&E Channel na mother company of History Channel. We shot during the History Convention sa World Trade Center.

We covered food trucks. I tried them all. Okay po siya, masaya po, kasi first hosting ko na ganoon po. Parang naglalaro lang po. Nakakataba! Pero super masaya po ako na nakuha ko iyong ganoon na work, kasi it’ll be shown internationally. And aside from that, I had so much fun,” wika ni Ria.

Dagdag niya, “Iyong third po is The Crawl Taiwan for Lifestyle Network (ABS company) with Matteo Guidicelli again. He was the main host. Ako po ‘yung crawl buddy niya. Our Taipei trip was divided into two episodes, it’s airing on October.

“The past three The Crawl episodes were done by Kuya Piolo Pascual. Super saya ko po na nakasama ako sa project na ‘yun. I got to travel and got to eat which are my two favorite things to do in the world.”

Nang solo ka lang na host, mas mahirap ba? “Hindi naman po. At first, medyo awkward ako kasi hindi ko naman po nakasanayan ‘yun sa TV. Usually host sa events, private events, ganyan. Pero okay naman po kasi madaldal po ako, hahaha! And super bait po ng staff, ‘yung director, producer, camera handlers, okay po silang lahat, I felt at home.”

Nabanggit din ng Kapamilya aktres na okay katrabaho si Matteo at magka-vibes daw sila. “Okay po siya. It was so nice to work with Matteo also. Magka-vibes po kami, super tropa. Kasi iyong mga kaibigan ko ay kaibigan din po niya. Kilala niya ang mga pinsan ko, ako naman po kilala ko ang mga pinsan niya. So para kaming magpinsan! Hahaha!
“Parang ‘yung feeling po na matagal na kami nagkakilala kahit hindi naman po talaga kami ganoon ka-close. Second work ko na rin po with him, so super nice po. Tapos same handler po kami, so okay po siya.”

Token Lizares,
sumabak na rin
sa pag-aartista!

PINAGSABAY na ng tinaguriang Charity Diva na si Token Lizares ang pag-arte at pagkanta, sumabak na rin kasi siya sa pag-arte. Introducing si Ms. Token sa indie film na Burahin Ang Mga Salot sa Lipunan starring Patricia Javier, Leo Martinez, Dan Alvaro, at iba pa, sa direksiyon ni Bert Abihay Dagundong. Gumanap din siyang BFF ni Shalala sa teleseryeng Pusong Ligaw.

Pahayag niya, “Iyong movie namin ay drama ito, labandera ako rito and isang very poor single mother of two. Heavy drama talaga, kasi ang anak ko rito na lalaki si Kiel Alo, tinokhang sa harap ko. Kaya grabe ang iyakan dito. At ang theme song na gagamitin sa movie ay original composition ko at ako mismo ang kakanta.”

Dagdag ni Ms. Token, “So bale, I’m a singer, composer, at actor na rin. Gumanap na rin ako as a grieving mother sa docu-film na Ang Timeline sa Buhay ni B and I will continue my advocacy, my mission in life — organizing concerts for a cause para mas marami ang matulungan.

“In house composer rin ako ng Ivory Recording Company, I also write jingles and songs for other artists. I’m the newest member of an all female band-Rhythm and Babes and soon we will be seen in big hotels and casinos.”

Naibalita rin niya ang kanyang latest album. “My album under Ivory Records will be out in the market anytime soon, pinamagatan itong Token Lizares, Till The World is Gone and will be distributed by Astro Plus Astro Vision nationwide.

Ang carrier single ko is Till The World is Gone composed by Vehnee Saturno. Ang iba pang cuts ay Ikaw Ang Sagot, Ganyan Ka Kamahal, One Life to Live at Time Moves On. Etong huli, ako ang nag-compose at lahat ay si Vehnee na. Bale, five na original songs at five na minus one. Ido-donate ko sa mahihirap at may sakit ang proceeds ng album ko.

“May MTV na rin iyan, nasa Spotify na, iTunes, Google play, Amazon, nasa YouTube na at FB rin iyan. Ang two major sponsors of my album are Aficionado by Joel Cruz at Ysa Skin Care,” wika ni Ms. Token.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *