Saturday , November 16 2024

Kaso vs Noynoy pinagtibay ng Ombudsman (Sa Mamasapano massacre)

PINAGTIBAY ng Office of the Ombudsman ang kasong graft at usurpation of authority laban kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa kanyang naging bahagi sa anti-terrorism operation na nagresulta sa pagkamatay ng 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

“In sum, the finding of probable cause against President Aquino in relation to his participation in the violation of Article 177 of the Revised Penal Code (Usurpation of Official Functions) and Section 3(a) of [Republic Act] No. 3019 stands,” ayon consolidated order. Noong Hulyo, iniutos ng Ombudsman ang paghahain ng criminal complaints laban kina Aquino, dating PNP chief, Alan Purisima, at dating SAF Director Getulio Napeñas.

Magugunitang halos 400 SAF commandos ang nagtungo sa Mamasapano, Maguindanao noong hatinggabi ng 24 Enero 2015 upang tugisin ang teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Sa operasyon, tinaguriang Oplan Exodus, ay napatay si Marwan ngunit nagresulta rin sa enkuwentro sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Napatay ng mga rebelde ang 44 miyembro ng PNP’s elite team habang palabas ng erya.

Magugunitang unang inabsuwelto ng Ombudsman ang homicide raps kay Aquino hinggil sa insidente. Ngunit naghain ng motion for reconsideration sa kaso ang grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …