INAPRUBAHAN ng Kamara nitong Lunes sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang pagliban sa synchronized barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections mula 23 Oktubre 2017 patungo sa pangalawang Lunes ng Mayo 2018.
Sa 213 Yes, 10 No, at zero abstentions, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 6308, nag-consolidate sa limang iba pang panukala at isang resolusyon na iisa ang layunin.
Sa ilalim ng nasabing panukala, ang incumbent barangay officials ay mananatili sa kanilang posisyon hanggang sa palitan sila ng mga mananalo sa eleksiyon.