Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Promise of Forever, puwede sa European market

KAILAN pa nga ba namin huling napanood si Paulo Avelino sa isang serye? Pero nang magbalik siya, matindi talagang project. Hindi natin maikakaila na sa kanyang character na ginampanan umiikot ang istorya niyang The Promise of Forever, na mapapanood na natin simula sa Lunes.

Ang character niya ay may kahalong fantasy, wala siyang kamatayan, at nabubuhay sa iba’t ibang katauhan sa iba’t ibang lugar. Kung titingnang mabuti, hindi lamang iyan makapagbibigay ng boost sa kanyang career bilang actor dito sa ating bansa. Maliwanag naman na kaya ginawa nila sa Europe ang taping ng seryeng iyan, at kaya tinapos muna nila ang buong serye bago nila ipalabas ay dahil kasabay niyan, may balak na silang ilabas iyan sa mga cable channel sa abroad. Kung mapapansin din ninyo, bukod kay Paolo, pinili nilang artista sina Ritz Azul at Ejay Falcon, na ang hitsura ay masasabing katanggap-tanggap sa mga European. Hindi pa nila sinasabi iyan ngayon pero hindi maikakaila na ang idea nila ay madala ang seryeng iyan sa European market. Kagaya rin ng ginagawa natin dito sa mg Koreanobela na isinasalin natin sa Filipino, maaari ring isalin iyang The Promise of Foreversa anumang European language.

Base sa nakita naming trailer ng serye, hindi nila maikakaila na naroroon ang idea na iyan dahil sa foreign market. Iyon din ang dahilan kung bakit nila pinagkagastahan iyan ng napakalaking puhunan, kasi gusto nilang world class at confident sila na mababawi nila ang malaking puhunang iyon, after all mailalabas nga nila iyan sa abroad. Kung local market lang ang target, titipirin nila ang seryeng iyan. Pero makikita mo sa serye ang isang mas malaking plano.

Sana nga mapasok nila iyang foreign market na iyan. Magagaling naman ang mga artistang Filipino. Iyong pananalo ng mga artistang Filipino sa mga festival abroad, ay nagpapatunay na tanggap nga ang mga artistang Filipino maging sa abroad. Ang kailangan nga lamang ay mabigyan sila ng break para sila makapasok sa market na iyon. Sana nga magawa iyan ng The Promise of Forever.

Ate Vi, tumuloy pa rin
sa natanguang commitment
kahit inatake ng ulcer

NOONG marinig namin noong isang gabi na inatake nga ng kanyang ulcer si Ate Vi (Vilma Santos) the day before at wala siyang tulog noong sinundang gabi, nasabi na rin namin kung hindi niya kaya ay huwag na siyang tumuloy, after all maipaliliwanag naman iyan. Kung gusto pa nila eh ‘di bigyan sila ng medical certificate ng attending physician. Pero dahil sa nauna niyang commitment at ayaw din naman niyang ma-disappoint ang kanyang fans na naghihintay sa kanya roon, pinilit pa rin niyang magpunta sa event na iyon.

Pero iyong mga walang alam sa nangyayari, dahil hindi naman tipo ni Ate Vi iyong magrereklamong may sakit siya sa ibang tao, ang sinasabi mukhang may sakit si Ate Vi. Totoo, eh may sakit naman talaga siya noong araw na iyon eh. Nagpilit nga lang na magpunta dahil sa commitment.

Maski nga iyong mga Vilmanian, noong malaman nila pagkatapos na may sakit pala si Ate Vi, nagsisisihan pa sila kung bakit pa nila inabala iyon at hindi hinayaang makauwi agad. Sila rin ay nagsasabi na ganoon pala, sana sinabi na lang ni Ate Vi at nagpahinga na lang siya.

Kung hindi naman siya nagpunta, ano kaya ang sasabihin ng mga toxic people sa kanya?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …