Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, tumuloy pa rin sa natanguang commitment kahit inatake ng ulcer

NOONG marinig namin noong isang gabi na inatake nga ng kanyang ulcer si Ate Vi (Vilma Santos) the day before at wala siyang tulog noong sinundang gabi, nasabi na rin namin kung hindi niya kaya ay huwag na siyang tumuloy, after all maipaliliwanag naman iyan. Kung gusto pa nila eh ‘di bigyan sila ng medical certificate ng attending physician. Pero dahil sa nauna niyang commitment at ayaw din naman niyang ma-disappoint ang kanyang fans na naghihintay sa kanya roon, pinilit pa rin niyang magpunta sa event na iyon. Pero iyong mga walang alam sa nangyayari, dahil hindi naman tipo ni Ate Vi iyong magrereklamong may sakit siya sa ibang tao, ang sinasabi mukhang may sakit si Ate Vi. Totoo, eh may sakit naman talaga siya noong araw na iyon eh. Nagpilit nga lang na magpunta dahil sa commitment.

Maski nga iyong mga Vilmanian, noong malaman nila pagkatapos na may sakit pala si Ate Vi, nagsisisihan pa sila kung bakit pa nila inabala iyon at hindi hinayaang makauwi agad. Sila rin ay nagsasabi na ganoon pala, sana sinabi na lang ni Ate Vi at nagpahinga na lang siya.

Kung hindi naman siya nagpunta, ano kaya ang sasabihin ng mga toxic people sa kanya?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …