Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ex-TIEZA chief Mark Lapid hinahabol sa kuwestiyonableng pagbebenta ng Paskuhan Village

HINDI na pala pag-aari ng gobyero ang Paskuhan Village na matatagpuan sa Dolores, San Fernando, Pampanga.

Naibenta na pala ito ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (Tieza) na dating pinamumunuan ni Mark Lapid sa Premier Central Incorporated.

Ang Paskuhan Village ay isang theme park sa Pampanga na ang makikita ay iba’t ibang parol, Christmas tree, pailaw at iba pang display na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Kapaskohan sa Filipinas.

Batay ito sa kultura at tradisyon nang mahabang pagdiriwang ng Pasko sa bansa. Kung tutuusin umano, ang Paskuhan Village ay bahagi ng cultural promotion and preservation ng ating bansa.

Pero hindi naging popular ang pagtanggap ng merkado sa Paskuhan Village kaya mas maraming panahon na wala itong tao.

Hindi natin alam kung paano pinagsikapan ng TIEZA na i-market ang Paskuhan Village at iba pang kagayang pag-aari ng gobyerno para malugi ito hanggang maisipan nilang ibenta sa pribadong kompanya.

Wattafak!?

Ayon mismo kay Lapid naibenta nila ito sa SMDC sa halagang P939 milyones bilang bahagi ng asset privatization thrust.

Isa ang Paskuhan Village sa 13 government-owned properties sa ilalim ng Tieza na matagal nang planong i-privatize. Kabilang umano ito sa Tier 1 ng mga non-revenue generating assets gaya ng Playa Hotel sa La Union, ang Matabungkay at Talisay sa Batangas.

Dati itong pag-aari ng pamilya Lazatin na ipinagbili sa pamahalaan noong 1989.

Sa pagdinig sa Kamara kamakalawa, dumalo si Lapid at pinanindigan niyang ang pagbebenta sa nasabing ari-arian ay pabor na pabor sa gobyerno at iyon na raw ang pinakamahusay na option na inirekomenda ng mga sulsultants ‘este consultants niya.

Ngunit kinuwestiyon ni Cebu Third District Representative Gwendolyn Garcia ang pagbebenta , base sa probisyon ng “right of first refusal” sa ilalim ng Republic Act 9593.

Sabi ni Lapid, majority decision umano ng board ang pagbebenta sa nasabing ari-arian ng gobyerno.

“I did air my sentiments as coming from Pampanga during our ‘off the record session’ but it was a majority decision.”

Tsk tsk tsk…

Ang tanong ngayon, mayroon pa bang magagawa ang gobyerno sakaling ‘habulin’ ang pagbebenta ng nasabing ari-arian?!

Isa pang tanong, kaninong kaban napunta ang pinagbilhan ng Paskuhan Village? Sa lalawigan ba ng Pampanga o sa national government? May naambunan bang bulsa ng iilan?! Aaksiyonan ba ito ng Solicitor General?!

Ilan lang po sa mga katanungan ‘yan na sana’y masagot nang tama ng mga kinauukulan!

ALITUNTUNIN
SA IMPORTED NA SEMENTO
REREPASOHIN NG DTI

MATAPOS mabunyag ang barko-barkong semento na sinasabing ipinupuslit ng anak ni Senador Panfilo “Ping” Lacson Jr., na si Pampi Jr., sa bansa, naalarma ang Department of Trade and Industry (DTI).

Mismong si DTI Secretary Ramon Lopez ay nagsabi na rerepasohin ng pamahalaan ang kasalukuyang mga alituntunin at regulasyon sa pag-aangkat ng semento.

Kasunod ito ng nagaganap na kaguluhan sa hanay ng importers at manufacturers sa mungkahing “pre-shipment inspection.”

Sa hiwalay na sulat sa DTI, hinikayat ng maraming cement manufacturers ang pamahalaan na gawing rekesitos sa manufacturers at traders na isailalim sa pagsusuri ang mga imported cement sa puerto at huwag umasa sa pre-shipment inspection para umano sa kaligtasan ng consumers.

Wattafak!

Ang pinag-uusapan ngayon ng cement manufacturers and traders e ‘yung garantiya na hindi umano maloloko ang consumers?!

E hindi ba, ang isyu ngayon, kung hindi ba napapalusutan ng mga puslit na semento ang mga puerto ng Bureau of Customs?!

Ayon sa grupo ng Eagle Cement Corp., Taiheiyo Cement Philippines Inc., Mabuhay Filcement Inc., Northern Cement Corp., Republic Cement at Cemex Philippines ay para sa masusing pagsusuri ng mga imported na semento.

Habang ang Philippine Cement Importers Association (PCIA) ay pabor sa pre-shipment inspection dahil consistent umano ito sa international standards, kaya siguradong hindi “poor quality products” ang pumapasok sa bansa.

Mukhang ang nagkakagulo naman ngayon ay local manufacturers at importers ng semento.

Pero sa totoo lang, ang may kagagawan nito ay import liberalization na pinasimunuan ng dating pangulo na si Fidel V. Ramos.

Hindi lang ang industriya ng semento ang apektado, lahat ng industriya na mayroon sa bansa ay naapektohan ng import liberalization.

Ilang garments and shoe factory na ba ang nagsara sa ating bansa at lumipat sa ibang bansa?! Hindi na mabilang.

At ngayon, naman, ang industriya ng semento ang pinupuruhan. Hindi ba’t dapat ang unang protektahan ay local manufacturers kaysa importers na malamang ay mas malaki ang palusot kaysa tunay na binuwisan?!

Isang isyu ito na unang susubok sa kakayahan ng bagong talagang Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Abangan natin kung paano ito reresolbahin ng bagong Komisyoner.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *