Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
kidlat patay Lightning dead

4 patay, 5 sugatan sa tama ng kidlat sa Bacoor, Cavite

PATAY ang apat katao makaraan tamaan ng kidlat sa Bacoor, Cavite, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Rodel Darlo Rufin, 16; Jover Polistico Boldios, 35; Chris Sabino, 31, at isang alyas Jaypee Deramos.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag na tinamaan ng kidlat ang tatlo sa mga biktima habang nasa loob ng isang kubo malapit sa dagat sa Brgy. Alima dakong 8:30 am. Isinugod ang tatlo sa Las Piñas District Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Habang lima pang mga sugatan ang dinala sa ospital upang lapatan ng lunas.

Samantala, si Sabino ay pumalaot upang manguha ng tahong nitong umaga ngunit laking gulat ng kanyang mga kasamahan nang makitang bigla siyang nawala sa kanyang bangka.

Makaraan ang isinagawang search and retrieval operation, natagpuan ang bangkay ni Sabino sa ilalim ng dagat nitong Martes ng hapon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …