Monday , May 12 2025

Dito tayo sa ‘Pinas mag-upakan — PacMan

INTERESADO pa rin si Senator Manny Pacquiao sa rematch nila ni Jeff Horn pero hindi ngayong taon at hindi sa Australia gaya nang unang napabalita.

Matatandaan na ang Queensland’s premier ay nagpahayag ng pagkadesmaya nang naging malabo ang rematch ng dalawa na nakatakda sana sa November 12 sa Australia. Tinawag nitong ‘naduwag’ si Pacman sa kanilang pambatong si Horn.

Kahapon ay nilinaw ni Pacman ang isyu, “It will not push through there in Australia. But we are bringing the fight here in the Philippines.” Dagdag ni Pacquiao na ang negosasyon ng da-lawang kampo ay patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan.

“This will be good for our country’s tourism.”

Tinalo ni Horn si Pacquiao para sa World Boxing Organization welterweight title noong July 2 sa Brisbane, Australia.

At dahil inakala ng Senador ng Filipinas na nanakawan siya ng titulo ay agad siyang humingi ng rematch.

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *