Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dra. Anna Marie Montesa, ipinagmamalaki ang Montesa Medical Group

NA-FEATURE last Saturday sa ANC’s Graceful Living hosted ni Ms. Cory Qurino si Dra. Anna Marie Montesa. Siya ang Managing Director ng Montesa Medical Group (MMG), Shimmian Manila at si Dra. Anna rin ang dahilan ng pagbata at lalong pagganda ng maraming artista.

“Kami ay isa sa napili niya i-feature sa kanyang show dahil isa sa pinakamagaling pagdating sa anti-aging dito sa bansa ang Montesa Medical Group. Bukod dito, mayroon kaming latest technology na machine na pinupuntahan talaga ng aming mga client at mga artista.

“Cory Qurino is one of our avid clients for anti-aging therapy. We discused our ULTHERAPY laser, the only FDA approved for non surgical facelift and neck lift. It has no downtime and painless. You can see the effects right away. We also did Botox to relax the forehead lines and smile likes of Ms. Ana Capri. And dermal fillers to lift her cheeks for a younger looking contour of the face. Si Randy ay Botox and Ultheraphy,” wika ni Dra. Montesa nang aming pasyalan sa clinic niya sa Tomas Morato ay nandoon sina Ana at Randy.

Si Dra. Anna Marie ay graduate sa UST at ang plano niya sa Montesa Medical Group ay maging isang world class na clinic at kilalanin sa buong mundo bilang isa sa pinakamagaling at maunlad pagdating sa pagpapaganda. Plano rin ni Dra. Montesa na paramihin ang branches ng MMG sa mga susunod na taon.

Sa ngayon, ang mga branches ng Montesa Medical Group ay sa SM North EDSA-The Block, Greenhills, at Tomas Morato.

Bukod kina Ana at Randy, ang ilan sa celebrity endorsers nila ay sina JC de Vera, Kylie Padilla, EJ Falcon, Bea Binene, Alma Moreno, Johan Santos, Kim Rodriguez, Tippy Dos Santos, Ynna Asistio, at iba pa.

Ano ba ang usual na payo niya sa mga clients na conscious sa kanilang health and beauty? “We encourage people to visit MMG to take care of their skin and physique. We advised our patients to maintain on our signature European facial to take care of their skin and our Refirme body contouring and lipo melt body sculpting to maintain their sexy body.”

Ano po sa palagay ninyo ang dapat na mas pagtuunan ng pansin, health or beauty?

Esplika niya, “Parehong dapat pagtuunan ng pansin ang health at beauty, kasi parehong mahalaga ito sa atin. Dito sa Montesa Medical Group ay pareho naming pinapanatili ang health and beauty, kasi pareho itong mahalagang kayamanan ng bawat isa sa atin.”

 

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …