Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora Aunor, papasukin na ang pagdidirehe ng pelikula

USAP-USAPAN sa apat na sulok ng showbiz ang nakatakdang pagdidirehe ng dalawang pelikula ni Ms. Nora Aunor.

Maaalalang minsan na ring gumawa ng pelikula si Ate Guy. Una na noong 1989, ang The Greatest Performance Of My Life kasama sina Tirso Cruz III, Michael de Mesa, at Julio Diaz.

At ngayong taon nga ay muling nag-anunsiyo si Ate Guy na may gagawin siyang pelikula. At una nang nag-post sa Facebook si Tita Fanny Serrano, na sinabi niyang isang mala­king karangalan na maimbitahan siya ni Ate Guy na maging parte ng pelikula nito.

Kasalukuyang kina­kausap din si Paolo ­Ballesteros para sa role ng anak ni Ate Guy. Balitang kasama rin sa proyekto sina ­Rossana Roces, Amy Austria, at John Rendez. At nitong huli, kinontak na rin si Richard Quan bilang ­lover ni Tita Fanny.

Habang ang ikalawang pelikula naman ay tungkol sa isang delubyo na kinatatakutan nating maranasan. Pero walang anunsiyo kung sino-sino ba ang mga artistang ididirehe ni Ate Guy dito.

 

JULIAN AT ALJUR,
WALANG RASON
PARA MAG-AWAY

MABILIS ang naging kasagutan ni Julian Trono na okey na okey sila ni Aljur Abrenica, ang esposo ng na-link sa kanya noong si Kylie Padilla.

Tsika ng lead actor ng Fan Girl/Fan Boy ng Viva Films na mapapanood sa September 6, “Sobrang okay kami. Both of us, we’re still in touch. Nakakapag-usap pa rin kami.

“Everyone should be grateful. I mean wala namang kahit anong bad blood with anyone.

“They’re happy, I’m happy, that’s what matter.”

Ang mahalaga nga kay Julian ay nananatili silang magkaibigan ni Kylie hanggang ngayon at maging si Aljur ay okey sa kanya.

MATABIL – John Fotanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …