Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, happy sa takbo ng kanyang showbiz career

MASAYA si Marion Aunor sa takbo ng kanyang showbiz career ngayon. Bukod kasi sa sarili niyang singing career, super busy din si Marion bilang composer at iba pang papel na natotoka sa kanya sa music industry.

Masaya rin siya dahil nominado sila ni Ylona Garcia sa kanyang original composition na Not Your Bae para sa Awit Awards Best R & B Recording.

“S’yempre po ay grateful na napasama sa nominations ni Ylona ‘yung song na sinulat ko para sa kanya,” pakli ng talented na singer/composer.

Ukol naman sa development ng album ng anak ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid na si Marion ang record producer under Star Music, ipinahayag ng panganay na anak ni Ms. Lala Aunor ang latest dito.

Wika niya, “Okay naman po ‘yung project with Leila. Enjoy kaming pareho and excited for our next recording sessions.”

Saad ni Marion, “Nakapag-record na po kami ng isang song ni Leila, maganda naman po ‘yung kinalabasan. Magaling po siyang singer. First time ko po maging producer but I’m enjoying the experience and may guidance din naman po from Sir Jonathan Manalo and Kidwolf (ang mga usual na katrabaho ni Marion na producers) when I have questions.

“Masarap po ‘yung feeling na napapasaya ko rin si Leila by helping her with her music-side and I’m grateful sa trust na ibinigay niya sa akin as producer and songwriter along with Sir Ogie and Star Music.”

Ano ang feeling na hindi lang as a singer ka active ngayon, mas nagiging in-demand ka na rin bilang composer pati sa ibang artists?

Pakili ni Marion, “I’m happy na dumadami po ang role ko sa music industry.”

JJ QUILANTANG,
DALAWA AGAD
ANG PELIKULA

UMAARANGKADA ang showbiz career ng child actor na si JJ Quilantang. Mula nang mapanood ang 6 year old na child actor sa TV series na La Luna Sangre bilang batang si Daniel Padilla, naging malakas ang dating niya sa publiko.

Ngayon ay dalawa agad ang pelikula ni JJ. Mapapanood siya sa The Revengers na entry sa darating na Metro Manila Film Festival at pinagbibidahan nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach. Ang isa pang pelikula ni JJ ay Persons of Interest na pinagbibidahan naman nina Allen Dizon, Liza Lorena, Dimples Romana, Nella Marie Dizon, at iba pa.

Tumatak kay JJ ang pagiging batang Daniel Padilla sa LLS kaya ayon sa kanya’y marami ang tumatawag sa kanya sa karakter niya rito bilang Tristan. “Opo marami ang tumatawag sa akin na Tristan,” saad niya nang makapanayam namin sa story conference at look test ng pelikulang pamamahalaan ni Direk Ralston Jover at mula sa ilalim ng ATD Entertainment Productions.

Ayon sa bibong child actor, hilig daw niya talaga ang pag-aartista. ”Opo, gusto ko po talaga ang maging artista. Masaya po ako na pati sa movie ay nag-a-acting na rin ako.”

Natutuwa rin siya dahil nagsimula na silang mag-shooting nina Vice. Nabanggit ni Tristan na happy siya sa ibinigay sa kanyang gift ng sikat na komedyante.

“Opo, masaya po sa shooting namin nina Tita Vice may mga zombie po. Happy po ako, kasi po ay mababait sila at idol ko sina Tita Vice at Kuya Daniel. Binigyan din ako ni Tita Vice ng laruan na tambol at piano.”

Sinabi ni Mommy Adel, ina ni JJ, na hindi raw alam ng anak niya na unti-unti na siyang nagiging tanyag at normal pa rin ang takbo ng kanyang buhay. Pero masaya siya kapag may mga nagpapa-selfie sa kanya sa kanilang school.

Si JJ ay kasalukuyang Grade 1 sa San Antonio Elementary School sa Muñoz, Quezon City.

Dito sa Persons of Interest, game ka ba kung drama ang ipagagawa sa iyo? Ano ang role mo rito? ”Opo, okay lang,” matipid na sagot niya. ”Ang role ko raw po sa movie, anak ni Tito Allen na ‘yung mommy ay nasa Japan at ‘di na nagpakita.”

 

ALAM MO NA – Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …