Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu

Sa Central Luzon: Vice gov, 5 mayors, 2 solons sabit sa ilegal na droga (P5-M shabu kompiskado sa Cebu)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Tinukoy ni out-going PNP-PRO3 director, Chief Supt. Aaron Aquino, na isang vice governor, limang mayor, at dalawang congressman ang kabilang sa listahan ng narco-politicians sa Central Luzon.

Binanggit ito ni Chief Supt. Aquino, incoming PDEA chief, sa pagdiriwang ng ika-116 anibersaryo ng Police Service ng PNP-PRO3 sa Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga.

Sinabi ni Aquino sa press conference sa Camp Olivas, kasalukuyan nang isinasailalim sa case validation ang itinuturing na narco-politicians at kapag napatunayang walang partisipasyon sa ilegal na droga ay saka pa lamang buburahin ang kanilang pangalan sa drug watchlist ng PNP at PDEA. Samantala, pinuri ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, bilang guest of honor at speaker sa pagdiriwang, ang pagiging best PNP Unit ng PRO3 sa anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration.

Hinimok niya ang mga pulis na lalong paigtingin ang paglilingkod at magsilbi nang may disiplina.

Kasabay nito, binalaan ni Dela Rosa ang mga abusadong pulis na may kalalagyan kung hindi titino dahil sila ang mga “bulok na kamatis” na sumisira sa magandang imahen ng pulisya.

Nanawagan din si Bato sa mga gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga na tumigil at huwag manlaban kapag hinuhuli upang sila’y manatiling buhay. (RAUL SUSCANO)

P5-M SHABU
KOMPISKADO
SA CEBU

CEBU CITY – Tinatayang aabot sa P5 milyon halaga ng shabu ang nakompiska mula sa isang mag-asawa sa Brgy. Ermita, nitong Lunes.

Arestado si Norman Cristobal, ngunit nakatakas ang asawa niyang si Jovelyn Cristobal, sa operasyon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ng Central Visayas (PDEA R7).

Ang mag-asawa ay parehong high-value target dahil sa pagbebenta nila ng shabu na hindi bababa sa 50 gramo, saad ni Leila Albiar, tagapagsalita ng PDEA Central Visayas. Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung totoo ang tip na kasabwat ng mag-asawa ang ilang opisyal ng barangay sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Samantala, pitong hinihinalaang adik ang naaktohang gumagamit ng ilegal na droga sa sinasabing drug den ni Roger Libradilla sa Brgy. Lahug.

Pinag-aaralan ng mga pulis kung magkaugnay ang operasyon ng mag-asawang Cristobal at ni Libradilla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …