Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maling siniraan ni Charice ang inang si Raquel

DITO sa Pilipinas, madalas nating naririnig simula pa lang sa pagkabata ang,”huwag na huwag kang magkakamaling bastusin ang nanay mo.” Sa kaugalian kasi natin, talagang mas binibigyang pansin ang paghihirap ng isang ina, simula sa pagsilang sa kanyang anak hanggang sa pagpapalaki. Minsan ang mga nanay, sila pa rin ang sinisisi kung lumaking wala sa ayos ang kanilang mga anak, pero para sa anak, huwag kang magkakamaling kalabanin ang nanay mo.

Ewan kung masasabing kasalanan din ni Raquel Pempengco kaya lumaking ganoon ang ugali ng kanyang anak na si Charice, na alyas Jake Zyrus na ngayon. Siguro dahil din sa bumilib siya sa kanyang anak, naging sunod-sunuran siya noong una tama man o mali, kaya naging ganyan ang isip ng anak niya. Hindi na niya na-control.

Nilayasan siya nang makisama sa girlfriend na si Alyssa Quijano at nang mahiwalay, sumama naman sa ibang kaibigan.

Ang mas masakit at inalmahan naman ni Raquel ay nang mapanood niya ang isang drama na sinabi ng kanyang anak na si Charice na siya ay sinasaktan ng kanyang ina, bukod pa sa hingi iyon ng hingi sa kanya ng pera. Hindi natin alam kung ano ang totoong nangyayari sa loob ng bahay nila noon, pero sa aming paningin, mali rin naman iyong siniraan ni Charice ang sarili niyang nanay.

Ipagpalagay man nating totoo, sino bang bata ang hindi nakatikim ng palo ng nanay? Kami aminado kaming napapalo noong araw. Natural lang din naman na kung ikaw ang kumikita ng malaki sa pamilya, mahihingan ka rin ng pera. Pero duda kami kung totoo ngang malupit na nanay si Raquel at panay pa ang hingi ng pera.

Pero kasi hanggang nitong huli, na nagpalit pa nga ng pangalan iyang si Charice na ang tawag sa sarili niya ay Jake Zyrus, kinakampihan pa rin siya ni Raquel eh. Kaya palagay din namin, iyon ang isang pagkakamali ng nanay na dahil sa pagmamahal sa anak, tama o mali kinakampihan.

Pero iyang si Charice, ewan kung hanggang saan pa aabot iyan ngayong pati nanay niya sinisiraan na niya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …