Tuesday , December 24 2024

Granada natagpuan sa tapat ng UE Recto

ISANG MK2 fragmentation grenade ang narekober sa harapan ng University of the East (UE) sa C.M. Recto Avenue, Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon kay Manila Police District – Explosion and Ordnance Division (MPD-EOD) chief, S/Insp. Arnold Santos, dakong 5:40 am nang isang street sweeper ang nakakita na may kahina-hinalang bagay sa gate ng pamantasan sa C.M. Recto Avenue. WALANG takot na nilapitan ng dalawang miyembro ng Manila Police District – Explosive and Ordnance Division (MPD-EOD) ang isang granada na natagpuan sa tapat ng University of the East sa Claro M. Recto Avenue, Sampaloc, Maynila, halos 500 metro lamang ang layo mula sa Malacañang, na agad nilagyan ng tape at dinala sa kanilang tanggapan upang suriin. (BONG SON)

Iniulat ito ng street sweeper sa security guard, na siyang nag-report sa pulisya.

Kaagad nagresponde ang mga tauhan ng MPD-EOD at nagsagawa ng safety procedure at pansamantalang isinara ang bahagi ng C.M. Recto gate.

“Hindi capable to explode without detonator, ibig sabihin walang detonator, kulang. Pero ito’y naka-safety pa, naka-tape, intact ‘yung safety pin,” paliwanag ni Santos.

Dagdag ng pulisya, posibleng itinapon ang nasabing granada kagabi ng mga hindi kilalang suspek matapos malamang may checkpoint sa kanto ng Morayta. Kinuha na ang kopya ng CCTV sa tapat ng unibersidad upang matukoy kung sino ang nag-iwan ng granada at kung may kaugnayan ito sa sinasabing away sa fraternity.

Samantala, tuloy ang klase sa UE matapos matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa buong kampus.

“This morning(’s) suspected item outside the vicinity of UE Manila’s Recto gate has been removed and the gate is now open. Thank you, Warriors.”

Pahayag mula sa twitter post ng UE Admin.

(ALEXIS ALATIIT)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *