Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bautista magbakasyon, mag-focus sa pamilya (Payo ng Comelec exec)

HINIKAYAT ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) si Chairman Andres Bautista na mag-focus muna sa pamilya at mag-leave of absense sa gitna ng alegasyong ill-gotten wealth laban sa kanya.

Sinabi ni Comelec commissioner Ma. Rowena Amelia Guanzon, personal niyang pinayo-han si Bautista na pag-tuunan muna ng pansin ang pamilya kaysa kanyang trabaho ngayon.

“Pinayuhan namin siya, ako one on one pa. Sabi ko, ‘Wala ka nang tulog, oh. You focus on your family, and then sagutin mo kung saan galing ang mga perang ‘yan.’ ‘Yun lang ang sinabi ko sa kaniya,” aniya.

Si Guanzon, kasama ng iba pang mga komisyoner ng Comelec, nitong Huwebes ay hinikayat si Bautista na mag-leave of absense o mag-resign, idiniing hindi na niya kayang maibigay ang “100 porsiyento ng kanyang oras” sa ahensiya.

“Kapag may problema po tayong personal, kailangan mag-leave tayo. Kasi unfair po ‘yan sa taumbayan, unfair po ‘yan sa government, ‘yung hindi na kaya ni Andy mag-function pero nandiyan pa rin siya, tapos hindi pa niya nagagawa ‘yung trabaho niya. Eh di mag-focus na muna siya sa mga anak niya,” ayon kay Guanzon.

Nitong Miyerkoles, hindi nakadalo si Bautista sa briefing para sa P16 bilyon budget ng Comelec para 2018 sa Kamara dahil kailangan niyang makipagkita sa guidance counselors ng kanyang apat anak.

Gayonman, inilinaw ni Guazon, ang kanilang hiling kay Bautista na mag-leave ay hindi ‘personal.’

“So ang ano lang po sa amin, parang na-kadapa na siya tapos sinisipa pa namin. Wag naman kayong magsabi ng ganyan kasi hindi naman ito personal na bagay. Para po ito sa Comelec at para sa ba-yan,” aniya pa.

Magugunitang ina-kusahan si Bautista ng kanyang dating asawa na si Patricia, ng pagkakaroon ng “unexplained wealth” na nagkakahalaga ng halos P1 bilyon.

Sina dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio nitong Huwebes ay naghain ng impeachment complaint laban kay Bautista sa Kamara.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …