Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allen Dizon, muling sasabak sa challenging na role sa Persons of Interest

GAGANAP na isang bulag na cook ang award winning actor na si Allen Dizon sa latest film niyang pinamagatang Persons of Interest. Mula sa pamamahala ni Direk Ralston Jover, ito ay handog ng ATD Entertainment at tampok din sina Ms. Liza Lorena, Dimples Romana, JJ Quilantang, ang anak ni Allen na si Nella Marie Dizon, at iba pa.

Pahayag ni Allen, “Gumaganap ako rito bilang blind cook ng restaurant na ang gaganap na may ari ay si Ms. Liza Lorena. Ang anak niya ay si Dimples na siya ‘yung reason kung bakit ako iyong pinagbibintangan na nakapatay sa nanay niya na asawa ko. Dahil nalason siya sa pagkain na niluto ko. So, si Dimples ang nagpursige para makulong ako at para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng nanay niya.”

Gaganap dito si Allen bilang dalawang katauhan. Una, bilang blind cook na maaakusahan sa mass poisoning na ikinamatay ng kanyang kinakasama na malaki ang agwat ng edad sa kanya.

Siya rin ang gaganap na imaginary friend ng anim na taon-gulang anak na si JJ na gumanap bilang batang Daniel Padilla sa La Luna Sangre.

Sa paghahanda sa kanyang role bilang Ramil 1 and Ramil 2 sa Persons of Interest, magkakaroon ng immersion si Allen sa mga kapatid nating may kapansanan sa mata.

“May mga pelikula rin na pinapapanood si Direk Ralston sa akin. Kailangan ko rin ma-perfect ‘yung eksena na bulag ako pero ang husay kong magluto. Ang dami kong dramatic scenes at napaka-complex talaga ng role ni Ramil,” saad ni Allen.

Wika niya, “Ganoon din sa Right to Kill, Bomba, at Palawan, kaya talagang kakaririn ko lahat iyan.”

Sobrang saya nga ni Allen sa magagandang proyektong dumarating sa kanya ngayon. Main character siya sa mini-series na Amo sa TV-5 mula sa direksiyon ng Cannes Best Director na si Brilliante Mendoza. Kinuha rin siya ni Brilliante sa pelikulang The Right To Kill bilang isa sa mga bida along with Felix Roco and newcomer na si Vince Rillon.

“Puro magaganda ang role ko sa mga pelikulang tulad ng Persons of Interest, Bomba, The Right To Kill, at Palawan. Tapos ang mga director ko pa ay sina Brilliante Mendoza, Ralston Jover, at Auraeus Solito. Kaya sobrang saya ko at inspired ako talaga na pagbutihan lalo ang pag-arte.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …