Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brother Noel, nais pagalingin ang mga artistang may sakit

BUKAS ang palad ni Brother Noel Lagman para hipuin ang mga artistang may karamdaman para gumaling katulad ng ilang celebrities na hinawakan at milagrong nawala ang sakit dahil sa kanyang gift of healing.

Hindi lang celebrities ang napapagaling ni Brother Noel kundi maging ang pangkaraniwang Pinoy mula Luzon hangang Mindanao. Gaano man ito kalayo ay kanyang pupuntahan kung kinakailangan.

Nagsimula nga ang panggagamot ni Brother Noel nang minsang may hinipo siyang may sakit at milagrong gumaling hangang sunod-sunod na ang paggaling ng mga taong may sakit na kanyang hinahawakan.

Naniniwala si Brother Noel na ginagabayan siya ng Diyos at ni Padre Pio sa tuwing may ginagamot siya. Halos lahat nga ng characteristics na mayroon siya pagdating sa panggagamot ay ganoon din si Padre Pio.

May mga insidente pa na habang nagmimisa sila ay nakikita nila si Padre Pio o minsan naman ay nagiging kamukha ni Padre Pio si Brother Noel kapag siya’y nanggagamot na kitang-kita sa mga larawan.

Paalala lang ni Brother Noel na kailangang ikumpisal ang mga kasalanan para luminis ang puso at para mawala ang karamdaman dahil ang mga kasalan na ating ginagawa ay isang dahilan kaya tayo nagkakasakit.

Ilan sa kahalintulad na gifts na mayroon si Padre Pio na mayroon din si Brother Noel ay ang Gift of Invisibility, Gift of Bilocation, Gift of Discernment, Gift of Levitation, Gift of Manifestation, Gift of Moral Healing, Gift of Osmogenecia, Gift of Physical Healing, Gift of Prayer, Gift of Prophecy, Gift that can move and control things by staring unto things while praying, Gift that can read hearts, Gift that can read the Souls, Gift that can see future events, Gift that can interpret dreams, at the most wonderful Gift from Jesus—The Sign of His Love.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …