Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FPJ’s Ang Probinsyano, magastos sa mga blasting

MAPAPANSIN ang sobrang magastos na bagong yugto ng teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano lalo na nang pumasok si Sen. Lito Lapid na kailangan ng blasting sa mga eksena at ang napakaraming tauhan sa Pulang Araw.

Napakalaking budget tiyak ang inilalaan ng Dreamscape Entertainment, yunit na humahawak sa FPJAP, para lang maging maganda at realistic ang bawat eksenang ginagawa.

Empoy, ididirehe
ni Dennis Padilla

TOTOO ang kasabihang kapag may mabuti kang ginawa sa kapwa, mayroong gantimplang ibibigay sa iyo.

Katulad niyong birthday celebration ni Empoy na bukod tanging si Dennis Padilla ang sumipot.

No wonder kahit mataas na ang presyo ngayon ng taga-Baliuag na komedyante ay pumayag pa ring magbida sa ididireheng pelikula ni Dennis, ang The Barker.

Andrea,
bigay na bigay
makipaghalikan
kay Dingdong

MULI na namang nabuhay ang usapin kina Dingdong Dantes at Andrea Torres dahil sa pagtatambal muli sa kanilang serye sa GMA 7.

Umaarte si Andrea sa serye kaya natural kung bigay na bigay ito sa kissing scene nila ni Dingdong.

Magkasama ang dalawa noong dumalo sa pista ng Davao City. Mabuti na lang at may Baby Zia na si Marian kung hindi baka kasama ito sa Davao para bantayan ang asawa.

Rhene Imperial,
gustong
magbalik-showbiz

BIRTHDAY ni Phillip Salvador sa Agosto 18 at marami ang nakapuna na napaka-relihiyoso ngayon ng actor.

Ang isa pang relihiyoso ay ang producer na si Rhene Imperial na hanggang Coron, Palawan at Marawi City ay nakararating para mangaral doon.

Dumalaw din si Imperial sa kanyang anak na nasa Palawan na nag-birthday kamakailan.

Loving father ngayon si Rhene na gusto ring magbalik-showbiz dahil miss din nito ang pag-arte.

Baliuag, pinagaganda
lalo ni Mayor Estrella

PINAGAGANDA ni Mayor Ferdie Estrella ang bayan ng Baliuag kaya may mga disiplina na sa pagtawid ang mamamayan para ligtas desgrasya.

Malinis na rin ang paligid at bawal magkalat kung saan-saan.

Priority ng mayor ang kanyang mga kababayan at pusong Baliuag talaga ito dahil ang kanyang mga negosyo ay nasa bayan din para makatulong sa kanyang mga nasasakupan.

***

HAPPY birthday Madonna sa kanyang ika-59 taon, gayundin kina Sanya Lopez at Thea Tolentino.

 

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …