Friday , December 27 2024

Birdshot, Patay na si Hesus at 100 Tula, binigyang pagkilala

BINIGYAN ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pamamagitan ng Pista ng Pelikulang Pilipino ng special prizes ang tatlong entries sa katatapos na thanksgiving night noong Linggo.

Binigyan ng Critic’s Choice Award ang pelikulang Birdshot ni Mikhail Red samantalang ang 100 Daang Tula Para Kay Stella ni Jason Paul Laxaman ay nakapag-uwi naman ng Audience’s Choice Award.

Ang Jury’s Choice Award naman ay ibinigay sa Patay Na Si Hesus na idinirehe ni Victor Villanueva.

Ang Birdshot ay mula sa prodyuser ng Heneral Luna at Goyo, na ukol sa dalawang krimeng nagawa sa isang rural town samantalang ang ipinrodyus ng Viva Film na 100 Tula Para Kay Stella ay ukol sa pagmamahal ni Fidel kay Stella. Ang Patay Na Si Hesus ay isang Cebuano dark comedy ukol sa isang ina at kanyang tatlong anak na nag-roadtrip para dumalo sa libing ng kanilang amang matagal nang hindi nakikita.

8 PELIKULANG KASALI
SA CINEFILIPINO
FILM FESTIVAL 2018,
INANUNSIYO NA

INIHAYAG ni Direk Joey Reyes, namumuno sa kompetisyon na taon-taon ay lalong gumaganda ang mga entry na sumasali sa Cine Filipino Film Festival.

“Every year, the entries just get more and more engaging to the Filipino viewer. Kuwento ang hari rito. And the story should always be increasingly appealing to its audiences, very original and Filipino. It is also very heartening to note that most of the eight feature films that made it to the list are products of newcomers,” ani Direk Joey.

Buong pagmamalaki ring sinabi ni festival director Madonna Tarrayo, na sa kanila nagsimula ang ngayon ay isa sa pinakamagaling at highest grossing film director, siSigrid Andrea Bernardo.

Ang walong feature-length movie na nakapasok sa CineFilipino Film Festival 2018 ay ang Delia & Sammy ni Therese Cayaba; Mata Tapang ni Rod Marmol; The Eternity Between Seconds ni Alec Figuracion; Excuse Me Po ni Ron Batallones; Poon ni Roni Benaid; Hitboy ni Bor Ocampo; Kahit Man Lamang Kung Maari ni Donalyn Baltazar; at Mga Mister ni Rosario ni Ronal Allan Habon.

Umabot sa halos 150 films ang naisumiteng entry sa kanila.

Bukod kay Bernardo na ang debut films na Ang Huling Chacha ni Anita sa filmfest na ito rin nagsimulang makilala ang director na si Randolph Longjas (Buy Now, Die Later, Star na si Van Damme Stallone).

Kabilang sa bumubuo ng selection committee bukod kina Direk Reyes, Tarrayo, kasama rin sina Central Digital Lab’s Manet A. Dayrit, Director Hannah Espia, Director Joel Ruiz, Mr. Lilit Reyes, at si Bayani San Diego.

Kasabay ng walong pelikulang nakapasok ay ang paghahayag ng partnership ng CineFilipino Film Festival sa Cignal Entertainment.

“Cignal is a distribution platform. There are many opportunities for people to watch all the movies we will select- maraming avenues, that is very important for any filmmaker,” ani Tarrayo.

Aniya pa, ”Knowing that there is a ready avenue for their films to be shown will certainly be inspiring. Organized and led by Unitel and partnered with the MVP Group including Cignal Entertainment, the CineFilipino Film Festival is how we truly celebrate Filipino films and their creators.”

Sinabi naman ni Jane Jimenez Basas, presidente ng Cignal Entertainment, ”We are in the business of providing premium content for our viewers’ discriminating tastes. Conversely, we also want to be the venue for more filmmakers to show their groundbreaking masterpieces. Cignal Entertainment and CineFilipino feature films are very much in sync in that pursuit.”

Ang deadline ng submission para sa Short Film at Digital Content Categories ay extended sa September 30, 2017. Pipili ng 11 student finalists at 11 non-student finalists (Student Sub-Category and Open Short Feature Category respectively) at pipili rin ng 11 finalists para sa Digital Content Category.

Sa March 2018 naman magaganap ang 3rd CineFilipino Film Festival.

KIKAY, MIKAY,
PASOK SA LITTLE
BIG SHOTS

NAKATUTUWA ang mensaheng ipinahatid sa amin ni Mommy Dianne ukol sa kanyang anak at pamangking sina Kikay, Mikay. Ipalalabas na kasi ang pelikula nitong Sikreto sa Dilim na tampok nga ang dalawang bibong bata bilang kapatid ng bidang si Ralph Maverick Roxas.

Ang Sikreto Sa Dilim ay idinirehe ni Mike Magat mula sa RM8 Films Movie Production ni Ramon Roxas.

Ayon kay Mommy Divine, nakapasok sa International Film Festival Manhattan New Yok ang unang pelikulang sinabakan nina Kikay, Mikay.

Kaya naman ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil malaking achievement nang maituturing ang nagawa ng kanyang anak at pamangkin.

Sa September 14 mapapanood ang Sikreto Sa Dilim sa Manhattan, New York, at sa Okctober 19 at 23 naman sa New York Festival. Kasama rito nina Kikay, Mikay bukod kay Ralph sina Lovely Rivero, Akihiro Blanco, Dianne Medina, at iba pa.

Bukod sa pelikula, malaking achievement din ang pagkakasama nina Kikay, Mikay sa Little Big Shots sa ABS-CBN na ang host ay si Billy Crawford.

Ayaw pang sabihin ni Mommy Dianne kung anong talent ang ipinakita ng magpinsan, pero for sure, kakaiba iyon at dahil lahat ng batang itinatampok sa Little Big Shots ay pawang magagaling.

Binabati namin sina Kikay, Mikay gayundin si Mommy Dianne dahil nagbunga na ang kanilang pagtitiyaga. More blessings to come sa inyo.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *