Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Girl buntis sa panaginip ni mommy

Hi,

Nanaginip si mama na buntis dw ako ano kaya ibig sbhn nun? (09982736931)

To 09982736931,

Kapag nanaginip na ikaw ay buntis o mayroong buntis, ito ay simbolo ng aspekto sa iyong sarili o ilang aspekto ng iyong personal na buhay na lumalago o nade-develop. Maaari rin na ito ay nagsasabi ng ukol sa birth of a new idea, direction, project, o goal.

Alternatively, kung ikaw naman talaga ay naghahangad na mabuntis, ito ay maituturing na simbolo ng takot sa bagong responsibilidad. Kung hindi ka naman talaga buntis at walang intensiyong magpabuntis, maaaring ang panaginip mong ito ay dahil sa ilang mga bagay na nagsilbing trigger para managinip nang ganito at wala naman talagang significance sa iyo at sa iyong sitwasyon, kaya hindi mo na ito dapat pang isipin.

Posible rin na kaya nanaginip ang mother mo na buntis ka, nag-aalala siya na mangyari ito sa realidad. Lalo na kung bata ka pa at nag-aaral pa, o wala ka pang asawa. Natural na maging alalahanin ng mother mo ang bagay na iyan at dahil diyan, malaki ang posibilidad na mag-manifest ito sa kanyang bungang-tulog, na siya ngang nangyari.

Normal lang naman kasi na kung ano ang laging laman ng isip ng isang tao, malaki ang posibilidad na mapanaginipan niya ito. Kaya kung ikaw ay bata pa, nag-aaral pa, at dalaga pa, mas makabubuting ingatan ang sarili at mag-focus muna sa pag-aaral para mas mapaghandaan ang iyong magandang future. Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …