Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nikko Natividad, pangarap makabili ng bahay kaya sobrang nagsisikap

PATULOY sa paghataw ang actor/dancer/TV host na si Nikko Natividad. Sobrang nagsisipag si Nikko sa kanyang showbiz career dahil marami siyang mga pangarap sa buhay.

Unang-una na rito ang dream niyang makabili ng bahay para sa kanyang pamilya.

“Ito po iyong hinihiling ko talaga na magkaroon ng mga projects, kaya sobrang thankful po ako sa mga dumarating na blessings. Lagi ko po itong ipinagdarasal dahil gusto ko po talagang maka-ipon dahil ang target ko na sana bago matapos ang taon ay mabili ko po iyong pangarap ko talaga para sa pamilya ko,” saad ni Nikko.

Dagdag pa ng Hashtag member, “Dream ko po talaga iyan at nagsisikap ako ng sobra para makabili ng bahay o kaya, kahit lupa po muna. Kaya talagang todo-hardwork po ako, focus po ako sa work at pinagbubuti ko ang lahat ng ginagawa ko po, para sa mga dream ko sa buhay, lalo na po para sa family ko.

“Isa ko pang dream ay makasama rin sa project na comedy, iyon ang hinihiling ko pang pelikula. Although siyempre sa part ko ngayon na nag-uumpisa pa lang, hindi naman po tayo puwedeng mamili.”

Sa ngayon, bukod sa paghataw sa TV ay umaarangkada rin sa Nikko sa pelikula. Bahagi na rin si Nikko ng segment hosts ng morning show na Umagang Kay Ganda. Plus daily pa siyang napapanood sa It’s Showtime, kaya maganda talaga ang exposure ngayon ni Nikko.

“Kaya masayang-masaya po ako kasi bukod sa araw-araw ako sa It’s Showtime ay kinuha na rin ako ng UKG (Umagang Kay Ganda). Sobrang nagpapasalamat po ako sa mga nasa likod ng UKG sa tiwalang ipinagkaloob nila sa akin,” saad pa ni Nikko.

Sa pelikula naman ay bahagi si Nikko ng casts ng Bes and the Beshies ni Direk Joel Lamangan. Hatid ng Cineko Productions Incorporated, ito’y tinatampukan nina Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin, Beauty Gonzalez, at Ai Ai Delas Alas na siyang gumaganap na mother ni Nikko sa pelikula. Isa rin si Nikko sa main casts ng pelikulang Bakwit ni Direk Jason Paul Laxamana.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …