HINATAW na naman nang todo ni Kris Aquino ang dating asawang si James Yap, sa pagsasabing noong inabot ng lagnat ang kanilang anak na si Bimby noong New Year at nadala sa ospital, hindi naman si James ang gumastos sa ospital. Dinugtungan pa niya iyon na nang huling magpadala si James ng pera para sa kanilang anak ay three years ago pa. May sinabi pa siyang dapat manahimik na lang si James after all milyones naman ang nakuha niyon sa kanilang paghihiwalay.
Kung kami ang tatanungin ha, at ito ay opinion lang naman namin. Napakagaspang ng mga statement na iyan ni Kris. Mukhang napakahina ng kanyang mga PR adviser, at hindi namin alam kung paano iyan ilulusot ng kanyang mga pra-la-la boys.
Sabihin man nating hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ni James, parang wala sa ayos na pagsabihan mo ng ganyan ang ama ng anak mo, at ang minsan ay naging asawa mo. Dapat isipin ni Kris na ano man ang sabihin niya, si James ang kaisa-isang nagpakasal sa kanya sa kabila ng napakarami niyang naging boyfriends. Just for that, masasabi mong pinahalagahan din siya ni James.
Dumating ang panahon na hindi na sila magkasundo. May mga bintang na nambabae si James, pero ang karaniwang tanong, basta ba ang isang lalaki ay nambabae, masasabi bang kasalanan lang niya iyon? Hindi kaya may dahilan din para gawin niya ang ganoon? Isa pa, bakit ngayon hindi nababalitang nambababae si James?
Iyang mga lumalabas na statements ni Kris, ang hirap i-damage control niyan pagkatapos, lalo na sa panahong ito na bagsak naman ang kanyang career. Walang TV network na interesado sa kanya hanggang ngayon matapos siyang bitiwan ng ABS-CBN, at maliwanag na binitiwan siya ng dating network dahil siya rin mismo ang nagsasabi, ”ABS-CBN doesn’t want me anymore.”
Wala siyang ginagawang pelikula, maliban doon sa isang comedy na may cameo role lang naman ang kanyang ginawa. Walang kumukuha sa kanya kahit na indie ha, at nagtataka kami kung bakit.
Palagay namin sa ganyang sitwasyon, dapat mas maging maingat si Kris sa kanyang mga binibitiwang statement, after all wala na siya sa Camelot, baka nga ang kaharap niya ngayon ay Waterloo.
Teka muna, lessons para sa hindi nakaaalam. Ang Camelot ay isang legendary place sa Great Britain, na sinasabing lugar ni King Arthur. Iyong Waterloo ay sa United Kingdom din, sa lugar ng kasalukuyang Belgium, doon naman naganap ang huling laban at pagbagsak niNapoleon. Just in case hindi ninyo alam ang history ninyo.
HATAWAN – Ed de Leon