Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay at Mikay, happy sa pagpasok ng Sikreto Sa Dilim sa international filmfest sa New York

SOBRANG saya nina Kikay at Mikay dahil ang pelikula nilang Sikreto Sa Dilim ni Direk Mike Magat mula RM8 Films Movie Productions ni Mr. Ramon Roxas ay nakapasok sa International Film Festival Manhattan New York.

“Sobrang happy po at nagpapasalamat kay Papa Jesus dahil iyong movie naming Sikreto sa Dilim ay kasali po sa filmfest sa New York,” wika ni Kikay.

“Malaking achievement na po ito at malaking blessing, lalo na po at pang-international na film festival na ito. Kaya sobrang saya po namin at nagpapasalamat sa lahat ng mga tumutulong sa career namin,” wika naman ni Mikay.

Balita ng mother ni Kikay na si Mommy Diane na showing ang naturang pelikula sa September 14 sa Manhattan, New York at October 19 to 23 ipalalabas naman sa New York Festival. “First movie po ito nina Kikay Mikay na nakapasok sa international filmfest at kasama sa movie sina Ralph Maverick Roxas, na bidang lalaki, Carlo Cepeda, Lovely Rivero, Akihiro Blanco, Diane Medina, at iba pa,” ani Mommy Diane.

Sina Kikay at Mikay na kapwa contract artist ng Viva ay likas na talented na mga bata. Hindi lang kasi sa pag-arte sila magaling, pati sa sayawan at kantahan ay puwede silang isabak. Incidentally, five years ang contract ng dalawa sa Viva at si Tita Mercy Lejarde ang co-manager nila.

Bukod sa pelikula, mapapanood sina Kikay at Mikay sa Little Big Shots sa ABS CBN, hosted by Billy Crawford.

Last Saturday ay lumabas din sina Kikay at Mikay sa mall show sa Robinson’s Las Piñas at nagbigay ng saya sa mga manonood. Kabilang din ang dalawang bagets sa mga nag-perform sa Awit Sa Marawi last week na ginanap sa AFP Theater.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …