Friday , December 27 2024

JulianElla, walang balak tapatan ang JaDine

IGINIIT nina Julian Trono at Ella Cruz na wala silang balak na tapatan o gayahin sina James Reid at Nadine Lustre. Anila, isang tough act ang sundan ang yapak ng JaDine pero flattered sila sa idea ng Viva na sila ang susunod sa yapak ng sikat nilang loveteam.

Sina Julian at Ella ang bagong tambalang ipinu-push ng Viva at magbibida sa bago nilang handog na pelikula, angFanGirl/FanBoy, isang teen oriented romantic comedy na mapapanood na sa September 6, idinirehe ni Barry Gonzales, at handog ng Viva Films.

Ayon sa dalawa, gusto muna nilang pagtuunan ng pansin ang chemistry at rapport nilang dalawa, kung paano pa mas mapagaganda ang pagtatrabaho nila para naman masiyahan ang lahat ng humahanga sa tambalan nila.

Ani Julian, hindi nila kayang i-duplicate ang tambalang JaDine dahil unique iyon at distinct sila. ”Iba ‘yung tunog nila, iba how they speak, how they perform and ‘yung hitsura rin nila, ‘yung chemistry nila, sobrang unde­niably kakaiba.”

Kaya hindi sila nape-pressure kapag sinasabing kaya nilang tapatan o lampasan ang JaDine dahil mas gusto nilang paghusayan pa ang kung anong mayroon sila ngayon ni Ella. Ginagamit na lang nilang inspirasyon ang pressure gayundin ang JaDine na kung nagawa ng mga ito na mapunta sa kung nasaan ang tambalan nila, maaabot din nila iyon.

Sinabi naman ni Ella na naniniwala siyang sila ang nararapat na gumawa ng gusto nilang puntahan. ”Kami ang gagawa ng JulianElla, gagawa kami niyon, gagawa kami ng sarili naming path at saka iba ‘yung nabibigay nila (JaDine), iba rin ‘yung kaya naming ibigay, though parehas kaya ng music at saka ng acting, kaya rin naming i-develop or i-form sa ibang bagay sa ibang atake.”

Ang FanGirl/FanBoy ay production ni Joyce Bernal para sa Viva Films at N2 Productions.

Awit sa Marawi,
matagumpay

BINABATI namin si Joel Cruz sa matagumpay na pagsasagawa ng Awit sa Marawi kamakailan. Ang Awit sa Marawi concert ay isinagawa ni Cruz para itulong sa mga naulilang pamilya ng mga sundalong lumaban at nasawi sa Marawi.

Ibinigay ni Cruz ang P3.5-M na kinita ng Awit sa Marawi concert at dinagdagan pa niya iyon ng P1-M mula sa kanyang sariling pera. Kaya naman tumataginting ng P4.5-M ang naialay ng tinaguring Lord of Scents sa mga sundalo.

Sinuportahan si Cruz ng mga magagaling na performer natin tulad nina Jona, Dessa, Malu Barry, Kiel Alo, at ang tinaguriang Charity Diva na si Token Lizares.

Nagbigay din kasiyahan sa mga manonood ang AFP Singing Soldiers, 5th Gen, ang cute na magpinsang Kikay at Mikay, angBaguio Gen. Hospital Nurses, Heidi, Elcid, JV Decena, Neil, Angelos, Josh Marquina, Federico, Virna Liza Moreno, Art, atBoobsie Wonderland.

Sinuportaha din ang concert ng mga kaibigan, kamag-anak at ilang personalidad gayundin ng mga sponsor para bigyang halaga ang mga naitulong ng mga sundalong nagbuwis ng kanilang buhay sa Marawi.

Kay Joel Cruz, mabuhay po kayo.

Katrina Paula, confident
sa paglaban sa Mrs. Queen
of VOAA Universe

NATUWA kami na hindi pa rin nagbabago ang isang Katrina Paula. Kung ano ang pagkakakilala namin sa kanya noon, ganoon pa rin siya. Wala pa ring inhibition sa katawan kahit sabihin pang maganda na ang katayuan niya sa buhay at nakapagpatapos ng anak sa kolehiyo.

Tahimik nang namumuhay ngayon si Katrina hanggang mapili siya ng organizer ng Mrs. Queen of VOAA Philippines para i-represent ang bansa sa gaganaping international beauty pageant sa Japan sa September 4.

Ayon kay Katrina, naging basehan sa pagpili ang pagiging mabuting ina niya sa apat na anak na naitaguyod niya ang pag-aaral kahit pa siya ay isang single parent.

“Pero siyempre, dapat maganda ka rin, sexy, kaya lang medyo tumaba ako. Pero ang importante talaga is kung ano ‘yung nagawa ko sa mga anak ko,” aniya nang makahuntahan namin sa isang simpleng presscon na ipinatawag ng kanyang kaibigang si Benny Andaya.

Nakapagtapos na ang panganay ni Katrina at isa ng babaeng piloto. Graduating naman ang ikalawa niyang anak na babae sa Pamantasan Ng Lungsod ng Maynila at ang dalawang lalaki niya ay parehong nag-aaral din sa sekondarya at elementarya.

Masaya si Katrina na napili siya para labanan 48 candidates mula sa iba’t ibang bansa sa Mrs. Queen of VOAA Universe. Hindi rin siya natatakot na makipagtunggali sa mga ito sa question and answer kahit Ingles pa iyon dahil katwiran niya, pinaghahandaan niyang mabuti.

“Nagpapaturo ako sa mga anak ko kung paano sumagot ng tama. Kasi sobrang, ito na talaga ako, eh. Hindi ko kayang magpa-cute. So, nagpapaturo ako sa mga anak ko kung paano ‘yung tamang pagsagot. Nanonood din ako palagi ng Ms Q and A sa It’sShowtime.

“Pati yung lakad din kung kani-kanino akong beauty queen nagpapaturo. Kay Alma Concepcion nagpaturo akong maglakad. Sabi niya, isipin ko lang na bakla ako tapos nakaangat ‘yung balikat ko.”

Kasi nakakahiya naman magpaturo kay Pia Wurtzbach, ‘di ba? Nakakahiya naman. Hahaha!”pagbibiro nito.

giniit pa ni Katrina na hiniling niyang magkaroon siya ng interpreter sa Q and A. ”Sabi ko talaga, dapat may interpreter para sasagutin ko ng Tagalog. Kasi mahirap mag-pretend, eh, na Ingles-Inglisan, eh, ‘di naman ako marunong sa Ingles, ‘di ba?”

nihalimbawa rin ni Katrina na kaya niyang harapin ang beauty contest na ito tulad ng pagharap niya sa maraming unos na dumating sa kanyang buhay.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *