Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PC Goodheart Foundation ni Baby Go, maraming natutulungan

MAYROONG gaganaping fund raising event sa pa-mamagitan ng ballroom dan-cing sa August 20 sa Marco Polo Hotel. Ito ay isa sa bagong project ng Indie Queen na si Ms. Baby Go sa ilalim ng kanyang PC Goodheart Foundation.

Esplika niya, “Fund raising ito sa pamamagitan ng Balroom Dancing. Kasi iyong aming foundation, iba-iba ang tinu-tulungan. Tulad ng may sakit na ‘di nila kayang magpa-opera, kailangan niya ng kidney transplant, mayroon naman oopera-han ang mata. Mayroon din akong tinulungan na isang bata na nasa ospital, na kaawa-awa talaga ang lagay. So, ipinag-pray ko siya at hindi lang moral support, siyempre kailangan din niya ng financial na tulong.

“Bukod sa mga may sakit, may mga iba pa kaming project, like sa scholarships.

May mga naka-graduate na nga, iba-iba ‘yung mga ginagawa namin. After ng ballroom dancing, magkakaroon din kami ng medical mission at magpapakain sa street children, tuloy-tuloy lang kami sa pagtulong.”

Sa susunod na buwan ay pararangalan na naman si Ms. Baby sa Japan at Amerika, ano ang reaction niya rito na ma-dalas na kinikilala ang ginawa niya, lalo na sa sining ng pelikula?

Saad ng masipag na businesswoman, “Siyempre ay happy ako at proud, kasi iyong ating mga ginagawang movies ay kinikilala at nananalo ng awards. Kumbaga, nakapagbibigay din tayo ng karangalan sa ating bansa, e. Bukod pa sa nakapagbibigay din naman tayo ng work sa maraming taga-movie industry. Kaya talagang natutuwa ako at mas lalong nagiging inspired gumawa ng quality movies na nananalo ng awards.

“After sa US at Japan, bibiyahe ulit ako dahil ‘yung movie naming Balatkayo ipala-labas sa Dubai, UAE, Singapore, Japan at gusto ko itong ipalabas din sa Italy.

Kasi nakaka-proud ang pelikula naming Balatkayo kapag napanood mo ay parang dinudurog ang puso mo, lalo na kung isa kang OFW. E dito, ang parents (Aiko Melendez at Polo Ravales) ng bata parehong OFW na nagtatrabaho sa Singapore ang nanay at ang tatay, nasa Dubai. Kaya ‘yung bata ay nagrebelde at nagkaroon ng sex scandal. Kaya may aral itong movie naming ito at dapat na abangan talaga,” saad ng lady boss ng BG Productions International.

Nabanggit din ni Ms. Baby na nag-enoy siya nang husto sa pag-guest sa The Bottomline with Boy Abunda kamaka-ilan.

Bilib siya sa galing at kabaitan ni Kuya Boy, pati na si Liza Diño na kasama niyang guest din sa naturang episode.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …