Friday , November 22 2024

DILG, DSWD bakante

DALAWANG magagaling na performer ang mawawala sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Una, si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo na tuluyang tinanggihan at hindi pinalusot ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kahapon.

Umabot sa 13 mambubutas ‘este mambabatas ang tumutol sa kompirmasyon ni Prof. Judy Taguiwalo bilang kalihim ng DSWD. Siya ay inirekomenda ng Communist Party of the Philippines (CPP) kay Pangulong Digong para pamunuan ang departamentong nangangasiwa sa kagalingan ng mahihirap nating kababayan mula sa iba’t ibang sektor.

Bago pumasok sa Gabinete ni Pangulong Duterte si Madam Judy, may PhD, ay isang social worker, social activist, at educator.

Hindi natin alam kung ano ang rason ng mga mambabatas na nagbasura sa kompirmasyon ni Madam Judy.

Pero mukhang ayaw ng CA ng mga taong nagtatrabaho gaya ni ex-appointed DENR secretary Gina Lopez na hindi rin nila pinalusot.

Ikalawang mawawala sa Gabinete ng Pangulo ang retirable na si AFP chief of staff General Eduardo Año.

Bago ang buwan ng Hunyo, nais ilipat ng Pangulo si Año sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ngunit biglang pumutok ang Marawi crisis noong 23 Mayo 2017, kaya hindi siya nailipat.

Pero nangako ang Pangulo na sa pagreretiro niya sa 27 Oktubre ng taong ito, siya ang itatalagang maging Kalihim ng DILG.

Ayon sa Pangulo, mas gusto niyang magtalaga ng mga military men dahil sa kanilang disiplina at kakayahang mamuno.

Pero may malaking sagwil para maitalaga agad si Gen. Año sa DILG.

‘Yan ang Republic Act 6975 (Department of the Interior and Local Government Act of 1990) na nagsasaad na “no retired or resigned military officer or police official may be appointed as Secretary within one year from the date of his retirement or resignation.”

Ibig sabihin, hindi pa agad puwedeng maitalaga si Gen. Año after his term as AFP chief of staff.

Kaya nga kamakalawa ay naghahanap ng alternatibong solusyon ang Pangulo.

Sabi ng Palasyo, nakipagpulong si Tatay Digs kay dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro. Hindi natin alam kung inialok sa kanya ang DILG o iniaalok sa kanyang misis na si Nikki Prieto ang DSWD.

O baka naman, mag-asawa silang inaalok?!

Naispatan din umano si Uncle Peping sa Palasyo.

Wattafak!?

Ano naman kaya ang epal ni Uncle Baba ‘este’ Peping?

Kung hindi magiging patok ang mga “alternative solution” ng Pangulo, ibig sabihin, magkakaroon ng butas ang Gabinete ng Pangulo?!

For the meantime, let’s wait and see…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *