Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Candy Pangilinan, na-challenge sa pelikulang Star na si Van Damme Stallone

AMINADO si Candy Pangilinan na isa ang Star na si Van Damme Stallone sa pinaka-challenging niyang pelikula.

Gumanap si Candy sa pelikulang ito bilang si Ermat na nanay ng isang batang mayroong down syndrome.

Ngunit sa kabila nito, ninais pa rin niyang mamuhay nang normal ang kanilang pamilya, partikular ang kanyang anak na si Van Damme Stallone.

Bukod sa pagkahilig sa iced candy, ang tanging pangarap sa buhay ay maging artista.

“Opo, oho, kasi rito wala akong masyadong sinasabi, gusto ni direk, walang masyadong linya (dialogues). Tahimik, e ‘di ba ang dami kong opinion, ang dami kong gustong sabihin?”

Pahayag niya nang usisain namin kung sa tingin niya’y isa ito sa pinaka-challenging na nagawang movie.

Patuloy ng comedienne, “Pero dito kakaunti lang ang sinasabi ko, saka maliban ho roon, iba rin ‘yung makapagtrabaho with the kids talaga. Mahirap na makipagtrabaho sa bata, mahirap kapag ang makakatrabaho mo pa ay ‘yung mga batang katulad nila. Kasi ‘di ba kailangan mong alagaan, kailangan silang timplahin?”

Bakit dapat panoorin ng mga tao ang movie ninyo?

Sagot niya, “Para ho ano, mas bumukas ang pag-iisip ng bawat Filipino, ng bawat tao, tungkol po sa mga bata na differently abled, sa mga special chidren… Kasi, they are actually people with a heart, they can actually feel, alam nila kapag binu-bully sila, alam nila kapag dini-discriminate sila.

“Mas sensitive sila, e. Alam nila… na hindi naman ho sila nanakit, gusto rin nilang makipag-kapwa tao, hindi sila nananakit ng kapwa tao, Filipino rin sila.”

Sa pelikulang ito unang nanalong Best Actress si Candy sa Cine Filipino Film Festival noong 2016. Nanalo rin ito roon bilang Third Best Picture at Best Supporting Actor si Isaac Aguirre.

Ano ang feeling mo na nanalo kang Best Actress dito? “Actually noong nanalo ako, talagang sobrang gulat ko, hindi nga ako nakabihis din, e. Kaya noong nag-thank you ako, talagang hindi ko alam ang mga sinabi ko sa stage,” nakangiting saad ni Candy.

Ang Star na si Van Damme Stallone ay isa sa kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula ngayong August 16 hanggang Auguts 22. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Randolph Longjas at kasama rin dito sina Paolo Pingol, Jadford Dilanco, Sarah Brakenseik, Ebong Joson, Acey Aguilar, Mara Marasigan at may special participation dito si Jasmine Curtis-Smith.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …