Saturday , November 23 2024

Libreng gamot sa Makati City dinagdagan pa ng budget

HAPPY talaga ang mga taga-Makati City.

Hiniling kasi ni Mayora Abby Binay sa City Council na dagdagan pa ang budget para sa Makati Health Plus program o mas kilala sa tawag na Yellow Card.

Hindi naman siya nabigo dahil inaprubahan ng Konseho ang P900 milyong budget para sa nasabing programa.

Very good!

Tumaas ito ng 50 porsiyento mula sa dating P600 milyong budget.

Para kay Mayora Abby, ‘yung maramdaman ng kanilang mga mamamayan na sila ay nagbibigay ng libreng gamot lalo na ‘yung may mga maintenance medicines na iniinom araw-araw ay isang seguridad na hindi kayang tumbasan ng magkano mang halaga.

Ito ‘yung seguridad na hindi nabibili ng kahit magkanong halaga dahil ang pinag-uusapan dito ‘yung nakatutulog sila nang mahimbing at hindi nag-aalala na wala silang pambili ng gamot.

Sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2017-059 sinelyohan ng Lungsod ang nasabing programa nitong 26 Abril 2017.

Kaya nga nitong nakaraang buwan ng Hulyo, door-to-door na inihatid ng Makati Action Center ang libreng maintenance medicines and vitamins na nagkakahalaga ng P7.2 milyones sa 4,099 senior citizens, mula edad 70 pataas at mga bed-ridden beneficiaries na tinukoy ng Makati Health Department na kuwalipikado sa special service.

Sa kasalukuyan mayroong 232,672 Yellow Card beneficiaries na kinabibilangan ng 42,335 senior citizens at 171 persons with disabilities.

Ang iba ay mga residente, city government employees, habang ang iba ay national government workers na nakabase sa Makati.

Ilan sa mga gamot na ipinamimigay ng administrasyon ni Mayora Abby ay mga gamot para sa hypertension, diabetes mellitus, cardio vascular diseases, dyslipidemia, enlarged prostate, gout, cough and colds, sexually transmitted infections, asthma, chronic obstructive pulmonary disease, seizure disorder, allergy, ulcer, vertigo at gastrointestinal problems.

Mayroon ding multivitamins para sa mga bata, adults at mga buntis, ganoon din ang oral and injectable contraceptives.

Para makakuha ng libreng gamot, dapat ipakita ang mga miyembro ang kanilang valid prescription mula sa Ospital ng Makati, Makati City Hall Employees’ Clinic, o sa kahit saang barangay health centers sa lungsod.

Ang sarap palang tumira riyan sa Makati!

Aba, totoo pala na mukhang dadaigin nga ni Mayora Abby, ang kanyang erpat na si former vice president Jojo Binay at utol na si ex-Mayor Junjun Binay.

Ibang-iba ang Makati Health Plus program ni Mayora Abby kaysa ibang lungsod sa Metro Manila na nagdagdag din ng budget sa kagayang programa pero walang implementasyon — kundi iniswak sa bulsa?!

Nagdagdag ng budget para magdagdag ng kita sa bulsa nila?!

Metro Manila Mayors, gayahin ninyo ang programa ni Mayora Abby.

Para sa bayan naman, awat muna para sa bulsa ninyo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *