Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billy, nag-audition din sa Little Big Shots

KUNG may hinahangaan man akong male TV host sa kanyang henerasyon, kasama sa aking listahan itong guwapo na at cute pa na si Billy Crawford.

Ewan ko ba! Just like Luis Manzano na sobrang ina-admire ko, itong si Billy ay umaapaw din ang pagsaludo ko sa kanya. Isama natin sa pagiging magaling niya ang pagiging articulate na kapag show niya ay pinanonood ko talaga.

Yes. It’s confirmed! Si Billy nga ang matapang na haharap sa matatapang na magpapakita ng kanilang galing sa latest and newest show ngayon ng ABS-CBN titled The Little Big Shots na mag-uumpisa ng mapanood sa Sabado, August 12.

Hindi lang ako ang sumasaludo sa galing ni Billy bilang host kundi buong mundo. Hindi po biro ang gagampanang papel ni Billy sa show kundi ipakikita rin dito ang abilidad niya on how to handle exceptional talents. Kaya naman bago pa lumawak ang tsismis na kaya nasungkit ni Billy ang hosting job ay dahil malakas siya sa Dos at paborito, to be fair, according po sa aming napaka-reliable source ay nag-audition pa si Billy para sa show.

Kaya tantanan na ang mga tsikang kesyo malakas siya sa Dos at kung ano-ano pa. Just imagine huh! Sa kanyang galing at estado sa career, ginawa pa rin ni Billy ang tamang proseso na nag-audition siya at dahil nga sa deserve niya naman talaga ito kaya nasungkit niya! ‘Yun lang ‘yun! ‘Yun na!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …